Sayaw

Natutuhan na natin ang pagsayaw na hindi magkatapat
Ang pag-indak sa musikang hindi sabay naririnig
Ang pagpilantik ng kamay na hindi magkahawak

Ngunit

Iisa ang pintig ng puso
Iisa ang direksyong tinatanaw
Iisa ang kantang sinasayaw



14/10/21






Comments