Busog
Hindi nakabubusog ang isang butil ng kanin.
Hindi talaga.
Kahit gawin mong dalawa, tatlo:
hindi pa rin.
Kaya pinagsasama-sama ang kanin
sa isa o dalawang takal.
Samahan pa ng ulam
at panulak. Pati sawsawan,
kung gusto mo.
Ayan, solb ka na.
Ganun din ang magsasaka.
Walang mangyayari kung isa,
dalawa, o
tatlo lang mang magsasama:
Kailangan sanlaksang magsasaka
o higit pa.
Samahan mo pa ng mga uring
manggagawa at peti-burgesya.
Pati pambansang burgesya,
kung gusto nila.
Ayan, may rekados ka na
para sa nakabubusog na
tagumpay!
Hindi talaga.
Kahit gawin mong dalawa, tatlo:
hindi pa rin.
Kaya pinagsasama-sama ang kanin
sa isa o dalawang takal.
Samahan pa ng ulam
at panulak. Pati sawsawan,
kung gusto mo.
Ayan, solb ka na.
Ganun din ang magsasaka.
Walang mangyayari kung isa,
dalawa, o
tatlo lang mang magsasama:
Kailangan sanlaksang magsasaka
o higit pa.
Samahan mo pa ng mga uring
manggagawa at peti-burgesya.
Pati pambansang burgesya,
kung gusto nila.
Ayan, may rekados ka na
para sa nakabubusog na
tagumpay!
Comments