Walang pamagat muli
*sa may Ortigas
Naaalala ko noon, tuwing kaarawan ko, isa sa mga hinihiling ko ay ang kalayaan:
*sa Rizal
kalayaan na makapag-pasiya kung saan ako pupunta, at paano;
*sa bahay
kalayaan na mag-isip at magsalita ng kahit ano na hindi hinuhusgahan;
*sa NYC, Naga City, Bicol
at siyempre, kalayaan ng Pilipinas, ng Sambayanan.
*sa NUJP
Unti-unti kong naintindihan na hindi pala ito hinihingi o nililimos o hinihintay. Ito'y ipinapaglaban at inaangkin.
*sa UP Diliman

*sa St. Paul
Ito'y ipinaglalaban dahil hindi naman ito materyal na bagay na maaaring ibigay ng iba. Ito'y batayang karapatan ng bawat isa.

*sa Liwasang Bonifacio
Ito'y ipinaglalaban dahil sa panahon ng paniniil ng estado, ang natitirang kalayaan ng Sambayanan ay ang lumaban.
*sa UP Diliman
Kaya ngayon, tuwing kaarawan ko, hindi na ako humihingi ng kalayaan. Sa bawat taon na ako'y tumatanda, sinisiguro ko na kasama ako sa mga kumikilos para sa kalayaan ng Bayan. Para dumating ang panahon na walang bata na kailangan pang humiling ng mga batayang karapatan, tulad ng kalayaan.
Comments