Panibagong template
Oo. Wala kasi akong magawa, kaya heto. Yun, at humihiling si Tsarlz na gawan ko raw siya ng bagong template. Dahil nagkataon na pareho kami ng gusto ng bg image para sa blog namin, kung walang kumpromiso na maabot, baka pareho na lang ang bg image namin. Ewan.
Ito ang mga naisip ko na bg images sa bagong template:
Ano sa tingin niyo? Puro sila white ang background. Napansin ko lang. Parang ang saya kasi mag-drowing sa puting background. Parang papel lang na malinis.
May naalala ako na sanaysay, tungkol sa writer's block. Na kung saan, takot daw yung writer (at iba pa raw na manunulat) na magsimula sa malinis na puting papel dahil hindi nila kaya yung matinding pressure na mapuno yung papel. Kaya lumalala ang writer's block.
Siguro wirdo talaga ako, pero nasisiyahan pa nga ako kapag napaka-linis ng puting papel na sinusulatan ko. Kung titignan mo, yung tipong napaka-tahimik at maaliwalas. Not threatening at all. Ang iniisip ko kasi, ako ang magsisimula ng gulo sa papel. Kaya hindi ko talaga trip ang magsulat sa may linyang papel. Parang nasisikipan kasi ako sa espasyo. Sa pagitan ng dalawang linya lamang ako pwede magsulat. Yun yung naiisip ko kapag ganun ang papel. Pag may trabaho o sa skwelahan noon, ayos lang. Dahil lalo na sa skwelahan, ikinukulong naman talaga ako. Pero kung ako lang, ayoko talaga. Kaya yung mga personal journals ko, yung mga pahina nila ay walang linya.
May naalala akong quote. Nakita ko ito sa Fahrenheit 451 ni Ray Bradbury (na "ipinamana" sa akin ni Sir Toledo nung hayskul).
Ang sabi ni Juan Ramon Jimenez, "If they give you ruled paper, write the other way."
Noong una kong nabasa ito (third year hayskul ata), napa-isip ako ng mataimtim. Ang galing-galing talaga ng nakaisip nito, sabi ko sa sarili ko. Ang galing-galing talaga. Kasi naisip ko noon, na-encapsulate niya in a catchy quote ang tanging goal ko nung hayskul: ang maging non-conformist.
Oo nga naman. Wag kang sumunod. Pag may linya ang papel mo, sumuway ka sa ayos na dinidikta sa iyo; sa kabilang direksyon ka magsulat. Galing-galing talaga.
Ngunit, habang tumatanda ako, patuloy ko siyang pinag-isipan. Dahil siguro pilosopo ako, ginawa kong literal ang quote. Sabi ko sa sarili ko, e paano yun, katulad ka ng mga Hapon magsusulat, pababa? Kasi yun lang naman ang direksyon na pwede para kahit papaano, maayos pa rin sulat mo. Pwede rin pataas.
Naisip ko bigla: ngunit sumusunod ka pa rin, hindi mo lang alam. May direksyon ka pa ring tinatahak. It may not be exactly the same direction that was decided for you, but it was still pre-decided by someone else. Where's non-conformity in that?
Naisip ko tuloy, leche ang non-conformity. Itatapon ko na lang yung papel. O buburahin ko yung linya.
Magpapaka-Trina na lang ako.

Comments
Kailangan ba old blogger or blogger2 ang kukunin kong html tags? Kasi itong blogger2 user-friendly, easy lang magcustomize ng template. Ayun.
Sa palagay ko, mas madali yung sa Classic template. Pang-hard core talaga yun e. Haha.
Pare, meron pala akong isang WILDEST DREAM, tapos kanina nalagpasan ko yung unang stage. Eh iniisp ko kung ipagpapatuloy ko ba. Ayun. Naguguluhan lang talaga ako pero gusto ko talagang gawin. Hay.