2/18/2008

Pinirasong sulat

Naiinggit pa rin ako sa mga mag-kr na magkahawak-kamay o magka-akbay tuwing mob. Lilingon ako sa tabi ko, at makikita ang lugar na hindi mo kinalalagyan. Minsan, iniyakan ko na ito. Bakit ganun ang mundo, ang unfair, bakit hindi kita makasama lagi sa pagkilos? Sa mga ED, sa mga mob, sa mga pulong?

Dumarating din sa akin ang pag-unawa. Hindi kita makasama dahil nagtatrabaho ka para sa kinabukasang pinansyal ng pamilya natin. Dahil mahirap ang pera sa mundong ito, kahit hindi pa tayo magsasama, kailangan na itong pagsikapan.

Oo nga naman. Kasi kung libre ka lagi para makasama sa lahat ng gawain, e di sana hindi tayo nagrerebolusyon. Dahil hindi mo na kailangan magtrabaho dahil wala ng pangangailangan o kakulangan.

4 comments:

Divs said...

ngiti, ngiti. :)

etsapwera said...

"Ngiti, ngiti"? Bakit?

unidentified Walking Object said...

Nakita ko link sa blog mo galing kay vj hehe. binura ko na multiply. :) madami makakarelate sa entry na to hehe.

etsapwera said...

Haha. :)