11/05/2008

11/5/08

Hindi na ako marunong tumula.
Hindi ko na alam kung paano
humabi ng mga salita upang ilarawan ang bukang-liwayway
na matatanaw mula sa bintana.
Hindi ko na alam kung paano ilalagay sa papel ang nadaramang
lamig ng gabi ng iniwang
mangingibig.
Hindi ko na rin alam kung paano isasalaysay ang pagpatak
ng ulan sa tigang na lupa.
Dahil abo na sa aking gunita ang
mga maririkit at maaamong salita.
Ngabibida ngayon ang mga salitang
mararahas at mapupusok, mga salitang
ibinubungad ang mga magsasakang
hindi lamang palay ang ginagapas,
kundi kaaway; mga kabataang manunulat
na inaangkin ng lagim ng gabi, ngunit
hindi ng limot; ang api, na nangangalampag
upang maningil ng dugo; ang mga manggagawang
pinapanday ang malayang kinabukasan.

Hindi na ako marunong tumula.

9/29/2008

Isang linggo na ang lumipas simula ng malaman ko ang iyong paglisan, ngunit hindi ko pa rin lubos na matanggap na wala ka na. Hanggang ngayon, tuwing nakikita kita sa gunita ko, ang nakikita ko ay ang Mai/Rachelle (naaalala mo ba nung nililito ako ng roommates natin sa Albay kung ano nga ba itatawag sa iyo?) na naalala ko--- ibang-iba sa bangkay na may mga latay ng pagpapahirap. Hanggang ngayon, iniisip ko buhay ka pa rin (siguro nadadagdagan na ng kakaibang dimensyon ang karaniwan kong kabaliwan o umaandar na naman ang pagiging matigas ng ulo ko o slow lang talaga ako). Hanggang ngayon, iniisip ko na posibleng magkita pa rin tayo muli sa mga national convention o national council meetings. Ewan ko. Siguro, ang diwa mo ang nararamdaman ko. Kung kaya may kumpiyansa ako na masasagap muli kita balang araw. Kung saan mang larangan yun, alam ko andun ka. Nagsisilbing inspirasyon para sa aming nagpapatuloy sa gawaing naiwan ng mga tulad mo. Hindi ko alam kailan tayo magkikita muli. Hindi ko alam saan. Basta ang alam ko, naka-daster ka na bulaklakin sa pagkikita natin. 


Hindi paalam, kundi hanggang sa muli ang sasabihin ko sa iyo. Mali pala ako. Bakit ako magpapaalam sa isang mahusay, masiyahin, at mabait na kaibigan? Nananatili kang buhay, habang andito kami sa buhay na ito. Habang patuloy naming pinaglilingkuran ang masa. Habang patuloy kami sa pagkilos para sa tunay na kalayaan.

Hanggang sa muli, Rachelle. Hanggang tagumpay.

9/28/2008

Mai

Tulad mo ay di malilimot habang kami ay narito.

9/06/2008

Suicide is a selfish act. When you consider doing it, you do not think of its consequences. You do not think of the people you will leave behind, the unfinished tasks, the changes you may have done. You only think of the coming oblivion, wherein such concerns are insignificant. And of course, you think of relief.

Suicide is not a mistake. Mistakes can be atoned for.

9/02/2008

x=?

Sabi ni Einstein, "How on earth are you ever going to explain in terms of chemistry and physics so important a biological phenomenon as first love?"

Ang sabi ko, "Kung ang pag-ibig ang x, ano ang formula?"

8/29/2008

ramdam ang karamdaman




Minsan kapag wala akong ginagawa, mahilig ako mag-isip. Isa sa mga naisip ko kanina ay ang kahinaan kong magsalaysay ng nagaganap sa akin sa ibang tao. Robot nga yata talaga ako. Kaya ko isipin (sa theoretical na level) kung ano ang gagawin (in detail) kapag may nangyari sa isang malapit na kaibigan (namatay, nakulong, etc). Kaya ko ilayo ang personal na galit sa isang taong kinakausap. Kaya ko rin makipag-usap tungkol sa damdamin nila, nang hindi naipapasok kung ano ang nararamdaman ko.

At yun ang madalas kong problema. Nahihirapan ako ipaunawa sa kausap kung ano ang nararamdaman ko. Hindi ako naniniwala sa pagbibitiw ng generic at simpleng kataga tulad ng, "nalulungkot ako" o "nagagalit ako." Hindi sa dahil hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, pero palagay ko, kulang ang mga katagang ito para maisalaysay ko nang buo ang saloobin ko.

(Ang malabo rito, sa personal na damdamin ko lang ito problema. Pag may tinatalakay na isyu, kaya ko iayon ito sa kausap, gawan ng paraan para mas maintindihan niya sa pamamagitan ng pag-lapat ng personal na karanasan sa isyu.)

At sanay na rin naman kasi ako mag-kubli ng nararamdaman. Bukod sa nakakalimutan ko magpahayag ng nararamdaman, hindi ko rin naman madalas na nakikita ang pangangailangan magsalita tungkol sa nararamdaman ko, lalo na kung may kinalaman sa pagkakamali sa akin ng kaibigan, dahil naiisip ko na may iba pang dahilan kung bakit nagawa niya yun. Kumbaga, nothing personal. At mahaba rin ang pasensiya ko.

Pero sa mga ganitong pagkakataon na bigla akong dinadalaw ng lumbay dahil sa kakulangan ko sa pakikipag-kapwa tao, kahit gusto ko magsalita, nahihirapan ako. Mas madali isulat. Kapag nagsasalita kasi, maraming aberya: pwedeng maputol ang usapan dahil may biglang nagaganap (may nasagasaan, biglang bumagyo, sumobra ang init, may nasusunog, may nadapa, may biglang dumating na may dalang pagkain, may nagtext, may tumawag, etc), pwedeng makalimutan mo ang ilang importanteng salita na sasabihin (bago kasi ako kumausap ng tao, naghahanda ako ng "speech" sa utak ko), pwedeng hindi pala handa makipag-usap ang taong yun tungkol sa ganung bagay, etc. Hassle masyado para sa akin. Lalo na sa isang punung-puno ng duda, tulad ko.

Kay rami kong nakikita pang pagkukulang, mga bagay na dapat pa baguhin. Ang bilin sa akin, steady lang, patuloy naman ako hinuhubog ng kilusan at karanasan, kaya magpahinga kapag dapat, at kumilos nang ayon sa kakayahan. Kaya nga ako nagpahinga ngayon. Ngunit sa mga ganitong pagkakataon ko naiisip ang mga bagay na ito.

8/05/2008

Tanggap ko na ang buhay na walang kasiguraduhan.

8/03/2008

Belated post (ukol sa Davao)

Dalawang linggo rin ako doon, sa Davao. Bukod sa unang beses ko makasakay ng eroplano, di ko alam kung ano pa ang mararanasan ko sa pagkakataong ito. Dalawang linggong malayong-malayo ako sa kinalakihan kong mga lugar, skwelahan, kaibigan, karelasyon. Ito ang pinakamatagal na panahon na hindi ako uuwi ng bahay namin. Wala doon ang mga karaniwang pinupuntahan ko. Wala doon ang BL, kung saan kami madalas magkita-kita. Wala doon ang kr ko. Wala doon ang mga libro ko. Sa dalawang linggo, marami ang pwede mangyari. Ngunit di ako nangamba. Dalawang linggo lang naman ito, hindi isang taon. At alam ko na maraming maaasahang tao sa pupuntahan ko na sasalo sa pagdating.

Pagdating namin, napansin ko agad ang pagkakaiba sa Maynila. Mas malamig doon, mas mahangin. At kahit nag-rally kami agad ng tanghaling tapat, ang araw doon ay hindi katulad ng araw dito na grabe makapaso. Kung ikukumpara rin dito, mura ang mga bilihin, lalo na ang pagkain. Tantiya ko, sa isang daan piso, maaari ka nang mabuhay nang marangal sa isang araw doon. Sabi ko nga, baka magulat ako sa presyo ng mga bilihin pagbalik. Di lang dahil sa nagtaas ang presyo ng mga bilihin habang nasa Davao ako, ngunit dahil nasanay na ako doon.

Nasanay. Nakapagtataka na sa dalawang linggo, natuto akong mag-adjust agad sa routine ng walang routine, magkasya sa kung anong meron at umiwas sa pagbili ng hindi naman gaanong importante na bagay, baybayin at alamin ang mga ruta ng dyip sa mga kalsadang ngayon ko lang nakita, at pakitunguhan at kilalanin ang mga taong hindi ko pa nakakasama buong buhay ko.

Pero hindi yun ang nais ko ikwento. Mahabang-mahabang pasakalye lang iyon.

Isang gabi, napag-kasunduan namin na mag-overnight sa "bakweyt." Ito ang tawag ng lokal sa lugar na kinaroroonan ng mga evacuees o internal refugees. Nasa basketball court sila sa Bangkerohan (isang community sa Davao) noong panahong iyon, at nagmula sila sa Compostela Valley. Tutulong kami sa mga volunteers para ibahagi ang tulong na kailangan ng mga lumad na ito.

Pagdating namin doon, tulog silang lahat. Kanyang-kanyang pwesto ang mga magkakapamilya, ang mga gamit nila, nasa sulok ng kanilang napiling pwesto. Nagsimula akong magbilang, umabot ako sa 65, kaso hindi ko na makita ang iba, lalo na ang mga nasa malayong bahagi ng court at ang mga bata.

Ang mga lumad na ito ay nakarating pagkatapos ang ilang araw at gabing mapanganib na biyahe. Bumaba sila dahil nanganganib ang buhay nila sa pinanggalingang lugar. Sila ay sinona ng militar dahil umano sa pagsuporta nila sa NPA, at habang walang tao sa mga bahay, sinunog ng mga militar ang buong purok. Wala na silang babalikan doon kundi ang abo ng kanilang buhay. Kaya naisip nila tumakas para ipamalita ang nangyayari sa purok nila. Nagkubli sila sa dilim ng gabi, at may sumalubong sa kanila, kung kaya natapos ang biyahe nila sa mas madaling panahon dahil nakakuha ng mga sasakyan upang ihatid sila sa Bangkerohan. Noong panahong iyon, marami pa raw mula sa mga kalapit na purok ang nagbabalak bumaba, naghahanap lang ng pagkakataon, dahil pinipigilan ang mga ito na bumaba ng militar.

Karaniwan na sa akin ang mga ganitong kwento. Ngunit hanggang ngayon, hindi ko pa rin masagot ang tanong na "bakit?" Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan nilang gawin yun, ang sunugin ang lahat, pati ang kabuhayan ng mga taong ito. Hindi na ba nila mahiwalay sa isip nila kung sino ang sibilyan at sino ang kaaway nila? Sa ginagawa nila, hindi ba sila nakararamdam ng awa o habag? Talaga bang tuod na sila? O sadyang minamanhid nila ang kanilang mga sarili? At para saan? Para kanino?

Isang gabi lang ako doon, pero ito ang mga tumatak sa isipan ko: ang batang tinutusok ang hita gamit ang kutsilyo para makunan ng militar ng impormasyon, ang nanay na buntis na nagpursige pa rin sa pag-biyahe sa karimlan ng gabi para maipanganak ang anak niya sa mas ligtas na lugar, ang mga batang may masidhing galit sa mga umagaw sa kamusmusan nila.

6/08/2008

Ang mga mall at uri sa lipunan

Nung nasa Davao ako, dumarating ang pagkakataon na kailangan kong magpunta sa mall para magawa ang kailangan gawin.Sa Davao City, tatlo lamang ang mall: NCCC, Gaisano, at SM. At dahil hindi naman ako taga-Davao (at hindi ako marunong mag-Bisaya), sinasamahan ako ng local.

Namangha ako nung sa unang punta namin sa Gaisano, may nakasalubong na kaklase nung college ang kasama ko na si Leigh (local). Iniisip ko kasi na hindi ito madalas mangyari kung nasa Manila kami.

Ngunit, may iba pang pagkakataon: nasa Gaisano muli kami, ibang araw, ibang kasama (Crooks). At yun na nga, may nakasalubong muli kami, kaklase niya naman nung hayskul. Itinanong ko sa kanya ito kung bakit madalas ito mangyari (pinatotohanan kasi nila ang obserbasyon ko na madalas ito mangyari sa Davao), gayong ang Davao City ang pinakamalaking siyudad sa buong Pilipinas. Ang paliwanag niya, tatlo lang kasi ang mall sa Davao, kaya may makakasalubong ka talaga na kakilala mo pag nasa mall ka.

Nagtaka rin siya na namamangha ako. Pinaliwanag ko na sa Manila kasi, dahil madali naman ang transportation, okay lang na kahit sa Quezon City ka nakatira, sa Manila ka mag-aaral. Kaya, sabi ko, ang mall na madalas na pupuntahan ng isang tao (kung tapos na siya mag-aral), yung mall na malapit sa bahay o opisina. Dahil dito, madalang na may makita akong kakilala dahil madalas na hindi lang iisa ang mall sa bawat siyudad.

Kanina, may natandaan ako. Naalala ko yung kwento ng kr ko noon. Habang kumakain kami sa food court ng SM North EDSA, nakwento niya na nung bata siya, binibilisan niya ang pagkain dahil nagpupunta siya sa arcade. Naalala niya ito dahil sa SM North na sila nagpupunta noon pa, dahil malapit ito sa bahay nila. Naisip ko kasi na maaari na hindi ako makapag-bahagi sa kanya ng kwento tungkol sa mall ng kabataan ko habang nasa mismong mall kami, dahil hindi naman ako (o kami) nagpupunta doon dahil may mas malapit na mall mula sa mga bahay namin. Robinson's Galleria (o Galle) yun. At dahil di naman kami mahilig magpunta ng mall, hindi talaga namin ito pupuntahan, unless na may sadya talaga kami rito.

Habang inaalala ito, naisip ko tuloy ang pagkakaiba ng uri namin sa lipunan. Ang mga SM na mall (exception ang Mall of Asia) ay madalas puntahan ng mga panggitnang-uri sa lipunan, samantalang ang mga mall tulad ng Galle, Shangri-La, Greenbelt, at iba pa, ay madalas dayuhin ng mga uri na mas nakaaangat sa mga nasa panggitna.

Ito ang nakalimutan ko na idagdag sa paliwanag kung bakit hindi ako madalas makasalubong ng kakilala sa mall. Bukod sa issue ng proximity sa bahay/opisina/skwelahan nila, ang isang mall ay dinadaluhan dahil sa reputasyon nito: kung anu-anong klase ng tao ang nagpupunta rito. Kung shala ka (sosyal), at condescending, hinding-hindi ka magpupunta sa mga SM, dahil ito ay mas madalas dayuhan ng mga klase ng tao na hindi mo gusto makasalamuha. Magpupunta ka sa ibang mall na katulad mo rin ang nagpupunta, na hindi pinupuntahan ng iba dahil ang mga tindahan dito ay nagtitinda ng produkto na wala silang kakayahang bilhin.

Dalawa ang dahilan kung bakit ako hindi nakakakita ng kakilala sa mall: una, dahil mas madalas na puntahan ng mga tao ang mall na malapit sa bahay nila, at pangalawa, consideration din ang uri ng mall.

May pangatlo pa nga pala: hindi nga pala kasi ako madalas magpunta ng mall.

5/13/2008

jack of all trades

At ano nga ba ang jack of all trades kung hindi master of none din?

At Trina ang pangalan ng jack of all trades.

Kung di pa mediocrity ang tawag dun, hindi ko na alam kung ano.

5/12/2008

hanap-buhay


lagi na lang ba ganito putangina napapagod na ako talagang di ko na kinakaya noon okay pa pwede pa pagtiyagaan batakin mo na lang ng kaunti pa ang sarili pigain ang maaari pang mapiga kakayanin ipipilit ayoko na ayoko sumisiksik sa mga tao upang makapasok lang sa opisina ayoko pumapasok sa opisina araw-araw na lang hindi ako makapag-trabaho ng matino dahil sa chismisan ng mga tao sa pulitika putangina niyo putangina niyo mga liberal kayo leche ang dekadente niyo walang panahon sa inyo hindi niyo ba alam na nakababastos na kayo di niyo ba alam na pambubusabos na ang ginagawa niyo tangina niyo lagi na lang ba ako magkakaroon ng katrabaho tulad niyo ang nakikita niyo lang sa babae e ang mukha niyo punyeta sawa na ako tangina hindi dahil mabait ang isang tao ay magpapa-api na lamang siya lintik lang ang walang ganti tangina talaga kupal kayo kupal ang mga tulad niyong walang modo walang respeto sa mga babae tangina niyo akala niyo sa sarili niyo mga diyos mga regalo sa kababaihan tangina kung kayo lang din naman ang makakapares ni eba mabuti pa sa ahas na lang kami makisama o sa kapwa eba rin tangina di niyo naiintindihan na hindi personal lang ang ginagawa niyo hindi niyo naiintindihan na sa bawat babaeng nagkakaroon ng hinanakit sa ginagawa niyo libu-libong babae rin ang iniinda ang hinanakit nila sa lipunang ito tangina niyo tangina niyo tangina niyo tangina niyo habambuhay na lang ba ako makikisalamuha sa mga tulad niyo tangina hindi ako papayag sa ganun ayoko na sa ganito gusto ko na kumawala internal nga naman ang mapag-pasiya punyeta niyo may araw din kayo pera lang ba pera lang ba pera lang ba paano ang oras ko paano ang gawain paano ako kailan ako magpapahinga matutulog ng hindi nag-aalala na tatawag ang opisina na may nagrereklamong kliente tangina aanhin ko naman ang pera kung sunog naman ang kaluluwa ko kung kanila naman ang diwa ko nagpupumiglas ako ngunit nakagapos pa rin ako tangina huhulagpos din ako huhulagpos din ako huhulagpos din

ako

5/08/2008

TRU COLORS-Art Exhibit: A Visual Experience on Contemporary Philippine Realities, Vargas Museum

Makiki-plug lang sa sariling blog (nag-tugma pa).

*Plug!*

Cory’s Yellow. Erap’s Orange . Political Butterflies. Hunyango. Sanctimonious White. Dark Evil. Military Camouflage. Greenbacks and Subprime Stocks. Militant Red. Brown Rice. Shades of Opinion. Climate Change. Mood Swings.

What gives? This art exhibit seeks to portray the varied hues of current socio-cultural values spawned by the impact of neoliberal waves upon a receding land of crisis, corruption, and decay – and an embattled people.

If art is a representation of politics, then this exhibit mirrors what the Old Vatican once described as “the poor, deprived and oppressed.” The common Tao – laborer, OFW, the army of unemployed, the wretched of the earth – upon whose prism passes the TRU-COLORS of Philippine realities.

True colors. Through colors. See it as recreated in form and media by 20 artists of noted substance and continuing relevance.

Better yet, add your color to this event.

Concept of the exhibit: It has been the tradition of the social realist artists to mount an exhibit every year that falls under the month of May to commemorate Labor Day. This is one way of paying tribute to the workers' movement in the Philippines that shape and form part of our history and its contemporary challenges in the socio-cultural and political aspects of society.

This year proposed exhibit will highlight the different shades of colors that characterizes class stratification in the Philippine society. TRU-COLORS is one way of translating the various layers of colors that evoke the harmony and contrast – the primary and the secondary – which are basically the basic contradictions of society. Color characteristics like hot and the cool, the vibrant and the drab, speak of common traits and temperaments among us.

As in the use of colors, in order to come up with a good scheme there must be dominance without which there would be failure in placing harmoniously the different contrasting colors. The unity of which is in the good contrast and harmony of colors. In othere words, there must be opposing or contrasting colors, one of which must be dominate in order to achieve harmony. This is the irony of good color scheme.

TRU-COLORS would mean the variegated political stands of major players who continue to dominate the political landscape of our society.

Date and Venue of the Exhibit: 6th 5pm of May, until June 14, 2008 at the Vargas Museum , UP Diliman, Quezon City

Participating in the exhibit are Antipas Delotavo, Federico Dominguez, Neil Doloricon, Jose Tence Ruiz, Renato Habulan, Manny Garibay, Pablo Baens Santos, Ed Manalo (kilala ko ito!), Aga Francisco, Carlos “Totong" Francisco Jr. Chitoy Zapata, Arturo Sanches Jr., Michael de Guzman, Iggy Rodriguez, Addrein Silanga, Medeo Cruz, Jason Valenzuela
(ito rin!), and Le-anne Jazul. - courtesy of GMANews.TV

4/30/2008

pinirasong sulat na naman

Aaminin ko: may bahagi pa rin ako na mushy, sentimental, emotional. Gusto ko rin inaawitan ng mga kantang pag-ibig, inaalayan ng tula, inuuwian ng pasalubong. Alam mo naman siguro ito. Ang palagay siguro ng ibang tao e wala tayong mush sa ating mga katawan dahil ang nakikita lamang nila madalas ay ang tawanan natin, ang mga pang-asar na hirit, ang pagyayabang na ang tanging silbi lamang ay malamangan ang isa, ang pag-mumura, ang pag-tatalo. Hindi iilan ang nagsasabi na hindi tayo mukhang mag-kr; mukha tayo mag-kapatid o mag-kaibigan. Hindi kasi nila nakikita ang kislap sa mata natin tuwing magkasama tayo, ang pagtutulungan natin sa internal na tunggalian ng isa't-isa, ang pagsasalo ng gawain, ang magkasamang pagsisikap na makagampan ng gawain at makarating sa mga dapat puntahan, ang pag-puna natin sa isa't-isa, ang kapanatagan ng loob natin sa isa't-isa at sa kilusan na ating pinaglilingkuran, ang pag-plano ng kinabukasan natin ayon sa pag-kilos para sa isang malayang lipunan.

Ito ang bagong version ng Rosas ng Digma (Ang Tugon). Sabi mo noon, ayaw mo na maging kanta natin ang alin man sa Rosas ng Digma dahil marami na ang may gusto rito. Okay lang sa akin kung ganun, dahil wala naman yata talaga tayong kanta. Sana lang, kantahan mo ako. Kantahan mo ako tungkol sa habambuhay na pakikibaka nating dalawa. Tungkol sa pamumuhay natin na simple, ngunit masikhay ang pagkilos. Tungkol sa pamilya natin na malayo sa naranasan nating pang-aapi at pang-aabuso. Tungkol sa pamumuhay natin sa piling ng masa. Tungkol sa panahon ng pag-punta natin sa ibang ibayo. Tungkol sa pag-asa at kalayaan.

Kantahan mo ako ng pangarap.


Ika'y paru-parong nangahas lumipad
Sa dilim ng gabi, pilit na umalpas

Pagkat hanap mo'y ningning at laya ng bukas

Sa aking mundo'y napadpad

Tulad ng iba ay nagmamahal din
Kahit malayo ay liliparin

Upang pag-ibig mo'y iparating
Sa rosas ng 'yong paningin


Ako'y nagagalak na tayo'y magkasama

Sa bawat pangarap

Sa piling ng masa

Magkahawak ng kamay

Sa pakikidigma
Para sa isang lipunang malaya
At sa pag-ibig na tunay at dakila

4/28/2008

paalam sa kabataan




Naunawaan ko na hindi pala ako likas na marahas na tao, di tulad ng akala ng iba sa akin; kung maaari lamang, umiiwas ako sa gulo at komprontasyon. Kung aking hihiramin ang isang linya sa isang sikat na kantang pag-ibig sa mga tibak, ako'y namulat sa isang panahong marahas. Hindi ko maaaring sabihin na masaya at karaniwan ang aking kabataan. Bata pa lang ako, nasanay na ako sa sigaw, mura, at dahas. Nasanay na rin ako na laging pinagdududahan. Kahit kailan, hindi ko nadama noon na may iisang bagay na maaari kong asahan na hindi mawawala o magbabago, bukod sa pag-iyak ko gabi-gabi sa karimlan ng kwarto namin noon.

Bata pa lang ako, kinikitil na ng mga tao sa bahay ang aking kalayaan na mag-pasya, mag-salita, mag-isip, mag-desisyon, kumilos. Ginagawa raw ito dahil bata pa ako. Nang tumanda ako ng kaunti, at nagkaroon ng malay, marami pa rin ang hindi ko maaaring gawin dahil daw "aktibista" ako. Sa mura kong isip, hindi ko alam kung paano bibigyan ng kahulugan ang salitang ito. Hindi ko maintindihan, dahil ang karaniwang katangian na iniisip ng mga tao ng mga aktibista ay ang sumali sa mga rali. Sa mura kong edad na siyam na taong gulang, hindi pa ako nakararanas ng sumali sa rali. Madaldal, makatwiran, matalino, at matigas daw ang ulo ko: ito na lamang ang pansamantalang ibinigay ko na kahulugan ng "aktibista."

Sa aking pag-tanda, mas napansin ko ang kahigpitan sa akin ng mga tao. Ang akala ko noong una ay karaniwan lamang ito, ngunit nung ikinumpara ko ito sa karanasan ng aking mga kapatid at kaklase, tila nga may kakaiba sa paraan ng pag-trato nila sa akin. Iniisip ko nung una, ang lahat ay magbabago rin, baka pag tanda ko, mag-iiba ang lahat. Ngunit sa bawat pagkakataong hinahayaan ko sila, humihigpit ang Batas Militar sa bahay. Hinayaan ko, dahil umaasa pa rin ako na magbabago rin ang lahat, ng wala akong ginagawa. Na hindi kailangan idaan sa kapusukan o komprontasyon. Na ipinagkakaloob ang kalayaan.

Hinahayaan ko rin pansamantala ang karahasan sa bahay, hanggang isang araw, naisip ko, bakit ako dapat magpa-api? Kung hindi ako kayang ipagtanggol ng mga dapat mag-tanggol sa akin, sino ang magtatanggol sa akin? Sino ang kikilos para sa akin? Hindi ba dapat ako na lang ang gumawa nito? Kaya sa susunod na pagkakataon, lumaban na ako. Ito ay nagresulta sa mga mas malala pang pangyayari, ngunit hinarap ko ito, sapagkat naisip ko na dapat nang lumaban, sapagkat hanggang hinahayaan mo lang na sinasaktan ka, hindi ito matitigil.

Hindi ako marahas na tao. Alam ko ito, kahit na kakaiba ako magalit. Natuto ako sa aking lipunan, na ang maging marahas ay ang maging mapang-api, kung kaya ang tanging sandata ng inaapi ay ang karahasan din. Dahil kung nais mo ng pagbabago, ito'y ipinaglalaban. At kung nais mo ng kalayaan, ito'y hindi ipinagpapaalam o ipinapakausap o iniiyakan: ito'y inaangkin.

4/24/2008

Pinirasong sulat pa rin



Ngayon ko lang napansin, kahit kailan hindi kita tinuring bilang kasama o kolektib; kinilala kita bilang mas sa antas na "instruktor" kita sa pagkilos. Di rin naman tayo masisisi rito, dahil una, hindi naman naka-sentro talaga ang relasyon natin, dahil nabuo ang ating relasyon bago pa tayo naging tibak; ang relasyon natin ay nahubog pa rin ng mga burgis na kaugalian, aminin man natin o hindi. Pangalawa, bilang karelasyon mo, kahinaan ko rin naman na saluhin ang gawain mo kapag nahihirapan ka na. Pangatlo, noong panahon na pumapakat na ako sa kinabibilangan mong grupo, ay siya naman ang panahon na pag-lipat mo sa iba.

Kung tutuusin, hindi tayo nagkasama ng gawain. Hindi tayo naka-upo sa iisang pulong na magkasama. Hindi tayo nakapag-BMI, o ang magpahangin na magkasama (na tulad ng pangarap natin nung hindi pa ako kumikilos). At hindi pa rin tayo nakapag-ED ng sabay, o kahit ako ang estudyante mo at ikaw ang instruktor ko. Sa mga mob lamang tayo madalas na nagkakasama, at yun ay kung wala tayong kanya-kanyang plano. Paano nga ba kita makikilala bilang kasama, kung sa mga mob lang tayo nagkakasama? At siyempre, bilang "estudyante" mo, paano ako makikipag-tunggali sa sarili ko na ang aking "instruktor" ay may mali rin palang sinasabi?

At ngayon, tuloy na talaga ang pag-pakat mo sa ibang grupo. At kung gugustuhin man natin, matagal-tagal bago tayo magkasama sa iisang grupo; gagamayin mo pa kung paano ka makakikilos sa lilipatan mo, may katungkulan naman ako rito. Para talagang hindi nagtutugma ang mga gawain natin.

Mahirap din pala. Di ko naman inaakala noon na magiging ganito. Buong akala ko kasi ay magkakasama tayo sa lahat ng gawain, na ang ating papakatan ay nakasalalay sa papakatan ng isa. Naisip ko rin naman na hindi laging mabuti kung kolektib mo ang kr mo, ngunit sa ganitong sitwasyon, nakikilala naman nila ang isa't-isa bilang mga kasama sa isang mapagpalayang relasyon.

Mahirap pala. Lalo na sa ganitong panahon at sitwasyon na kung saan, walang pwedeng kumilos sa ating dalawa upang lumapit sa isa. Stalemate, 'ika nga nila. Kaya ayoko na rin ibukas ito sa grupo ko (o kahit sa magiging grupo mo), dahil alam ko na hindi pa talaga panahon. Tulad ng maraming bagay: ang pag-papamilya, ang pagtungo sa ibang ibayo, atbp. Ngunit alam ko, laging napapanahon ang paghihintay ng tamang pagkakataon.

4/22/2008

Dahil 22 na siya nung 20



Maligayang bati, agwaskaterin! Pasensiya nahuli ito; ang dami kasing gawain. Sana magustuhan mo. :) At kahit hindi na tayo masyadong nagkakasama at nagkikita (mali, hindi na talaga), nais kong malaman mo na miss na kita (naks, ulol!). At na ang imbitasyon na ibinukas ko sa iyo noon ay nanatili pa ring bukas hanggang ngayon. Andito lamang ako bilang kalokohan, kakulitan, ka-angasan, at kaibigan.

4/18/2008

Lihim

Naiinip ako. Nababalisa. Sabi ko sa isang kaibigan, bakit ganun, parang hindi na ako mapalagay sa isang trabaho. Laging may kulang. Ang sabi niya sa akin, dahil may hinahanap daw ako. Tama naman siya. May hinahanap nga ako na ibang klaseng trabaho. Ito ang gusto kong trabaho bata palang ako.

Malapit na, malapit na.

Marami rin naman akong pag-dududa. Lagi naman. Lagi kasi sinasabi sa akin, mahirap kapag ganun, maliit at madalang ang kita. Ngunit, tulad sa isang pag-uusap ng isa pang kaibigan, para saan nga ba ako nag-iipon? Para ba sa kinabukasan? Anong kinabukasan nga ba yun? Dahil hanggang ganito ang sistema, ano ang kapalaran ko? Dama ko na hindi darating ang punto na maaari na akong tumigil sa pagtatrabaho dahil may limpak-limpak na akong salapi, at maari na lamang akong humilata sa ibabaw nito.

At paano naman ang walang ganitong klaseng desisyon? Ang hindi makapag-desisyon ng ganito, dahil hindi nalasap ang mga naranasan kong karangyaan? Wala na rin ba silang karapatan sa kinabukasan?

Hindi ito para sa akin lamang, kahit pa ano sabihin ng tao. Para ito sa tao, sa Sambayanan. Para sa mga kaklase at kaibigan na nagbabanat ng buto para sa sahod, para sa masuportahan ang pamilya, para makabili ng mga bagay na pinagkait sa kanila noon; para sa tropa ko na nababatak na masyado dahil kaunti lang ang nakapaglalaan ng oras at lakas sa gawain; para sa kr ko, na alam kong kasama ko pa rin sa pangangarap ng malayang bukas sa isang masayang lipunan; para sa mga pamangkin ko, na namumulat sa panahong marahas; at para sa Sambayanang Pilipino na patuloy na pinahihirapan ng tatlong salot.

Malapit na. Malapit na malapit na.

4/10/2008

antoxicity




4/09/2008

Grass is greener

Always, to someone else, you are living a charmed life.

3/20/2008

holy week

Mas gusto ko sana ipagdaos ang linggong ito sa piling ng mga magsasaka. Sana ang pagpunta ko ay tumagal ng 3 (o mahigit pa) imbis na isang araw lang.

Sa susunod na lamang.

(pics siguro kung sipagin ako)

"Isang araw ay aanihin natin ang tagumpay
At sabay nating tatamasain ang masaganang bukas
Kaya't wag kang titigil at susuko
Sa pag-punla at pag-hahasik ng kalayaan
Ang ating pagkakaisa'y patibayin
At ang ating pag-kilos ay lalong pag-alabin..."
-Isang Araw

2/27/2008

Bakit ayaw natin kay Gloria?

Bakit babagsak sa Physics si GMA?
Dahil ang RELATIVITY sa kanya ay
ilagay si FG at Mikee sa pwesto.

Why won't GMA make a good chemist?
She does not know any SOLUTIONS, only
a lot of corruption.

Why is GMA pretending to be a
geologist?
She is only good at finding FAULTS.

Why will GMA fail in mining engg?
Because she has underMINED the
people's trust.

Why will GMA fail in mechanical
engineering?
Because we will not allow her to SCREW
us forever.

Why will Gloria fail in civil
engineering?
Because her heart is really in EVIL
engineering.

Bakit hindi pwedeng geodetic engineer
si GMA?
Dahil sa umpisa pa lang, mali na ang
BEARINGS nya.

Why will GMA fail in electrical
engineering?
Because she SHORT CIRCUITS the
people's interest.

How does mathematicians see GMA?
1+1+1+1+1+1. ... a non-terminating
SERIES of corruption and lies.

Please pass.


Sign on also to http://www.petitiononline.com/STSC2008/petition.html

Scientists for Truth, Scientists for Change

2/21/2008

Kung ako'y mabasag mo

Kung ako'y mabasag mo,
pupulutin mo ba ang bawat
piraso kong
nagkalat sa sahig,
upang buuin muli?
Papayag ka bang
masugatan ng
matatalas kong bubog?
Hahayaan mo bang
dugo mula sa sugat mo,
at luha mula sa mata mo
ang kapalit ng pagkabuo ko muli?
O ako'y wawalisin
mo na lamang,
at isasantabi?

Piring

Piring
Para kay J

Kung ako'y pipiringan niyo,
maaari niyo akong isubo
sa karimlan.
Ngunit ang puwang na
naiwa'y hindi niyo
madadala sa kawalan.

Kung ako'y pipiringan niyo,
maaari kayong gumamit
ng dahas upang ako'y
mapatahimik.
Ngunit ang aking kamao'y
nakakuyom, at ang aking
diwa'y nagpupumiglas
pa rin.

Kung ako'y pipiringan niyo,
maaari niyo akong
ibaon sa ilang pulgada
ng lupa.
Ngunit hindi niyo ako
maaaring
ibaon sa limot.

Kung ako'y pipiringan niyo,
pakisabi sa aking anak na
mahal ko siya, at na
hindi ako masamang tao.

Na hindi ako masamang ama.

2/19/2008

Pag-luha sa isang dagat ng kape

*paki-critique na lang kung nais mo. Salamat!


Tuwing nakakakita ako ng magka-relasyon
na magkahawak-kamay sa mob, hindi ko maiwasang
mapalingon sa aking tabi,
at makita ang mukha ng kasama
na hindi ikaw,
o marinig ang boses na hindi iyo.
Pilit ko pa ring hahanapin ang
kislap ng iyong mata o ang
maluwag mong ngiti sa bawat
kasamang makasalamuha.

Para akong umiiyak sa isang dagat ng kape, nangangarap
na mabawasan ang pait ng aking pangungulila,
sa pamamagitan ng pag-luha ng tubig-alat para sa iyo.

I defy

*dapat ipapasa ko ito noon sa Youngblood, kaso natagalan na masyado.

A raised fist and a loud voice chanting slogans are signs of protest. In art and literature, they are endlessly signified as the weapons of the oppressed masses, with the ubiquitous gun, of course.

Last December 10, raised fists and loud voices were aplenty in the mobilization prepared for the International Human Rights Day. I was there too; I wanted to be with the people as this day is commemorated under the regime with the most cases of human rights violations.


I was there, yet somehow, I really wasn't; I no longer feel enraged when I see evidence of torture, as compared to my reaction just a few years ago, when I shed hot tears while watching my first documentary, “Alingawngaw ng Punglo (Echo of the Bullets).” In contrast, when I see a picture or watch a documentary or read something on human rights violations nowadays, I wonder where my tears are, and why they have not begun gushing forth from my eyes. And I feel my chest, trying to locate my heart, which I fear has become frozen.


I have become desensitized to the threats, the killings, the enforced disappearances. After being exposed to what this government can do, after reading article after article on yet another activist brutally killed or gone desaparecido or tortured, I have stopped considering the victims as people. Sometimes, I find myself thinking that they are just another statistic to cite, just another case to file, just another number in the two thousand-plus violations this government is guilty of.

And it pains me to see that I am a step closer towards apathy, an inch nearer towards hopelessness, and already in close proximity to catatonia. This is the last thing I would have expected to happen: I became involved because I know that I cannot live with myself if I did nothing. Yet now, it seems as if my efforts were futile.


I am writing this because a friend advised me to do so, and because I remember a half-baked poem I wrote four years ago. In the draft, the persona said that “ang pag-protesta ay tanda ng pagiging buhay (Protesting is a sign of being alive).” I would like to think that in writing this, I am doing just that: protesting against indifference, protesting against death, protesting against evil.

I am still alive. As long as I will not let sadness overwhelm me, as long as my ideology is strong enough to struggle against it, as long as I am raising my fist and chanting with the people, it will not conquer me.

Pinirasong sulat muli

Kinukulit kita noon, itinatanong ko kung paano mo inilalapat ang dialectical-materialism sa existence ng isang diyos. Paulit-ulit mo ring sinasabi na hindi mo alam, basta ang alam mo, may diyos. At paulit-ulit ko pa ring itinatanong sa'yo. Hanggang sa kahahanap ko sa sagot, isang araw, natagpuan ko rin ito.

Tinanong mo ako noon kung bakit ako hindi Katoliko tulad ng inaasahan ng mga tao. Sinabi ko sa'yo na hindi ko masikmura na manalig sa isang relihiyon na ginagamit ng estado upang supilin ang karapatan ng mamamayan. Sinabi ko rin na namulat ako sa isang mundo ng mga Katoliko, ngunit mas disente pa ang ugali ng mga hindi naniniwala sa diyos nila. Niyakap mo ako, at hinaplos ang aking buhok.

Kristiyano ka. Ako, wala akong masasabing relihiyon na kinapapalooban ko. Ngunit, pareho tayong Marxista, at yun ang mahalaga.

2/18/2008

Pinirasong sulat

Naiinggit pa rin ako sa mga mag-kr na magkahawak-kamay o magka-akbay tuwing mob. Lilingon ako sa tabi ko, at makikita ang lugar na hindi mo kinalalagyan. Minsan, iniyakan ko na ito. Bakit ganun ang mundo, ang unfair, bakit hindi kita makasama lagi sa pagkilos? Sa mga ED, sa mga mob, sa mga pulong?

Dumarating din sa akin ang pag-unawa. Hindi kita makasama dahil nagtatrabaho ka para sa kinabukasang pinansyal ng pamilya natin. Dahil mahirap ang pera sa mundong ito, kahit hindi pa tayo magsasama, kailangan na itong pagsikapan.

Oo nga naman. Kasi kung libre ka lagi para makasama sa lahat ng gawain, e di sana hindi tayo nagrerebolusyon. Dahil hindi mo na kailangan magtrabaho dahil wala ng pangangailangan o kakulangan.

2/16/2008

Go not gently, and rage with me*




Rage with us!


Dahil ang pagbabago ay hindi hinihintay, kundi ginagawa.


Dahil ang kalayaan ay hindi hinihingi, kundi ipinaglalaban.




*mula sa awitin ng The Jerks, Rage

2/14/2008

Mag-wasto

Kasama ako sa bulto ng mga tao noong 2001 sa EDSA nang pinababa ng mga tao si Estrada, at iniluklok sa pwesto si GMA. Bata pa ako noon, second year high school sa isang exclusive school. Hindi ko man gusto si GMA noon pa man, mas gusto ko na siya ang nasa pwesto noon kaysa kay Estrada. Lesser evil, 'ika nga. Alin nga naman ang pipiliin mo, ang economist o ang dating artista? Ang nakakuha ng post-graduate degrees sa mga pinapipitagang skwelahan, o ang drop-out?

Bata pa ako noon. Madaling mabilog ang ulo, walang alam sa tunay na kondisyon ng lipunan, naïve.

Hindi na ngayon.

Nais kong iwasto ang nagawa kong (at nating) pagkakamali.

Kung nais mong maging kasama sa pagwawasto, magpunta sa Paseo de Roxas sa Pebrero 15, 2008. Oo, bukas na ito. Alas kwatro ng hapon ang kitaan.

Maging bahagi ng kasaysayan.

Punta ka ha? Inaantay ka ng Sambayanan.

2/11/2008

Sabi niya

"Ako lang yata ang VIP na nagpahatid sa Pasig, dinala sa Los Baños." -Jun Lozada (nung sinabi ni Angel Atutubo, assistant general manager for Security and Emergency Services, na lahat ng VIP ay hinahatid sa gusto nilang puntahan ng NAIA)

2/07/2008

Samahan niyo ako mag-isip!

Naisip ko lang: paano kaya sa future? Yung mga tipong ilang centuries mula ngayon. Ano kaya pakiramdam nun? May mapapa-isip kaya, habang tinitignan ang kanyang paligid, "Noon kaya, may nag-iisip tungkol sa akin, iniisip niya kung iisipin ko siya na mag-iisip sa akin habang tinitignan ang structures sa panahon ko?"

O ako na lang kaya ang mag-iisip: Noon kaya, may nag-iisip tungkol sa akin (o kahit sinong nilalang sa future niya)? Iniisip niya kaya kung maiisip ko siya habang nararanasan ko ang buhay ngayon?

Matagal ko na ito iniisip.

1/25/2008

Two truths and a lie

1. I care too deeply, too much.
2. I talk to people through a glass wall.
3. I have smoked pot.