12/18/2007

schizo-trina



sa esPRESSo (PUP)


Nakita ko ito habang naghahalungkat ng mga files ko. Nasa ikalawang taon ako nung kolehiyo nito. Lito ang isip ko nito, kaya kung anu-ano ang inilagay ko. Sinusubok ko kasi noon gawan ng ayos ang mga isipan sa utak ko, humanap ng liwanag sa dilim.

Nakatatawa lang mag-reminisce.


6/11/2004 12:21 NU
Sana kayang ihiwalay ang pag-iisip sa pakiramdam. Ngunit hindi. Sinubukan ko na ito, at ako ay nabigo. Hindi kayang ihiwalay ang pakiramdam sa tao. Kung hindi, hindi siguro ito maituturing na tao.

Integral ang pakiramdam sa tao. At integral sa kayang makaramdam ang makaramdam ng kabiguan at masaktan. At sana rin, ng tagumpay at kaligayahan.


6/11/2004 12:29 NU
Tagumpay at ligaya. Kabiguan at sakit. Magkatuwang ang apat na salitang ito. Wala ang dalawa kung wala yung dalawa. Parating magkakasama. Imposibleng marating ang isa kung hindi nadaanan yung iba.

Parating magkasama. Siguro ganito rin ang buhay ng tao. Parating may kasama— tagumapy at ligaya, o kabiguan at sakit.


6/11/2004 12:32 NU
Hindi pa naman talaga bulok ang mundo. May pag-asa pa naman ito, kahit papaano. At patuloy kong hinahanap ang silahis nito.


6/11/2004 12:36 NU
Hindi ako naniniwala na patuloy na nabubuhay ang tao sa mundong sa tingin niya’y wala nang pag-asa.


6/11/2004 12:48 NU
The light of the remotest stars comes last to men; and until it has arrived, man denies that there are stars there. –Friedrich Nietzsche

Sisikat din ang araw. Titila rin ang ulan. Ngunit habang hindi pa dumarating ang araw na iyon, magpapaulan muna ako. Lulusob ako sa baha. Matutuyo rin naman ako kapag sumikat na ang araw.

Hahayaan ko munang magsanib ang luha ko at ang patak ng ulan.


6/11/2004 1:48 NU
Mahirap mambola.


6/11/2004 1:58 NU
Bakit hindi?


6/11/2004 2:08 NU
Hindi mo mababanghay ang “believe” kung walang “lie.”

Alam ko na may katuturan ito; hindi ko pa lang naiisip kung ano.


1 comment:

Beautiful Machine said...

Madali lang mambola.

If you know how to lie, then you're alread a pro.

:D