12/04/2007

After 9 years




Lumipas ang siyam na taon bago ko natapos ang librong ito ni Jostein Gaarder. Oo, siyam. Aba, nauna ko pang natapos ang Sophie's World bago ang librong ito. Bakit? Dahil nahirapan akong makakuha ng kopya ng Solitaire Mystery. Kumbaga sa isang pack of cards, ang Solitaire Mystery ang Joker: namumukadkad-tangi (dahil wala siyang tulad) ngunit mahirap hanapin (dahil hindi siya kailangan sa mga laro, kaya madalas, itinatapon na lamang siya).

Sinimulan ko ito basahin nung nasa ika-pitong taon ako ng elementarya. Wala kasi kaming guro sa isang subject, kaya wala akong magawa. Nakita ko na hawak nung kaklase ko ang librong ito. Naintriga ako, kaya binasa ko siya habang wala pang guro. Siyempre, di ko siya natapos. Kaya sa mga susunod na mga taon, patuloy akong nagtatanong sa mga kasama ko kung alam nila saan ako makahahanap nun. Ang problema, hindi nila alam yung libro.

Nakita ko rin ang Solitaire Mystery sa National Bookstore. Nasa ikalawang taon ata ako nun ng hayskul. Ang problema, mahal siya. Di ko kayang bilhin. Di ko naman maaaring ipabili sa magulang ko dahil hindi ako ganung tipong tao. Kaya ipinagpaliban ko muna ang pagbili ng kopya.

Hanggang sa kolehiyo, naghahanap ako ng murang kopya nito. O kahit kopya sa library. Para matapos ko man lang yung libro (utang na loob, ilang taon na ang nakalilipas, di ko pa tapos. Kumusta naman yun, di ba?).

At nung 1 Disyembre 2007. Nasa UP ako nun, kasama kr ko, kumukuha ng mga litrato ng Sunken Garden ng UP. Nagutom siya, kaya nagpunta kami ng Shopping Center. May maliit na bookstore na katabi ang Shopping Center. Sabi ko, sisilip lang ako sa bookstore. Lagi ko kasi ito nakikita, di ko lang pinapasok dahil wala akong oras tuwing dumadaan ako.

At dun ko natagpuan yung libro. Mas mura kumpara sa ibang bookstore, kaya binili ko na.

At sa wakas, matapos ang siyam na taon, natapos ko rin ang kwento.

Natutuwa nga ako, dahil medyo related ang siyam na taon kong kwento sa libro. Sa Solitaire Mystery kasi, iniwan ng isang babae ang kanyang asawa at anak sa Norway, at tumungo siya sa Greece. Paglipas ng walong taon, bumiyahe ang mag-ama mula Norway patungo sa Greece para puntahan at sunduin ang babae.

Parang ako lang. Kung saan-saan ko pa hinanap ang libro (pinahanap ko rin siya sa kr ko nung nagpunta siya ng Malaysia), at matapos ng mga taon, nahanap ko rin siya.

Ang dami kong gusto isulat, kaso di rin maiintindihan kung hindi pa nababasa ang libro. Hehe.

Basta, maganda ang libro. Dapat ito basahin. Ang ganda kasi ng pagkaka-gawa ng kwento. Kahit na may mga pagkakapareho ito sa Sophie's World.

2 comments:

Beautiful Machine said...

Hehehe, kalo ka nagkamali ka sa pagbilang, kasi kala ko siyam=7. So binilang ko talaga mula isa hanggang sampu (isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, PITO!, walo, siyam, sampu) heehee

Congrats on your journey. Every book should be like that. Merong story BEHIND the story.

be well.

etsapwera said...

Wahahaha! Ako rin minsan, ganun! Napagpapalit ko ang siyam sa pito. Or siyam sa anim. Haha. Kailangan ma-visualize ko muna itsura nung numbers. Hehe.