12/26/2007

Padayon!

Maligayang bati sa ating lahat! Patuloy ang pagkilos patungo sa isang malayang lipunan.

12/19/2007

"Engels is love"







♥Engels is love♥
brought to you by the isLove Generator


Hehe. Natuwa/natawa lang ako sa nakuha ko. Yun lang.

12/18/2007

Hindi dead star, death star


*mula sa PhysOrg

Ito ang bago sa akin: isang malaking black hole ang nagpalabas ng "jet" patungo sa isang malapit na galaxy.

Kasi naman, ang akala ko lang sa black holes e taga-absorb ng energy. Pero sa natuklasang ito, may kakayanan din pala yung mga malalaking black holes na mag-emit ng jet na may malalaking doses ng radiation. At obviously, masama ito para sa matatamaan na galaxy.

Ngunit, sabi pa rin sa article, hindi naman puro masama lang ang resulta nito. Ang kaganapang ito ay makapag-lilikha rin ng "formation of large numbers of stars and planets after its initial wake of destruction is complete."

------------------------------------------------------------------------------


Tanong: ano kaya ang Filipino ng "black hole"?


schizo-trina



sa esPRESSo (PUP)


Nakita ko ito habang naghahalungkat ng mga files ko. Nasa ikalawang taon ako nung kolehiyo nito. Lito ang isip ko nito, kaya kung anu-ano ang inilagay ko. Sinusubok ko kasi noon gawan ng ayos ang mga isipan sa utak ko, humanap ng liwanag sa dilim.

Nakatatawa lang mag-reminisce.


6/11/2004 12:21 NU
Sana kayang ihiwalay ang pag-iisip sa pakiramdam. Ngunit hindi. Sinubukan ko na ito, at ako ay nabigo. Hindi kayang ihiwalay ang pakiramdam sa tao. Kung hindi, hindi siguro ito maituturing na tao.

Integral ang pakiramdam sa tao. At integral sa kayang makaramdam ang makaramdam ng kabiguan at masaktan. At sana rin, ng tagumpay at kaligayahan.


6/11/2004 12:29 NU
Tagumpay at ligaya. Kabiguan at sakit. Magkatuwang ang apat na salitang ito. Wala ang dalawa kung wala yung dalawa. Parating magkakasama. Imposibleng marating ang isa kung hindi nadaanan yung iba.

Parating magkasama. Siguro ganito rin ang buhay ng tao. Parating may kasama— tagumapy at ligaya, o kabiguan at sakit.


6/11/2004 12:32 NU
Hindi pa naman talaga bulok ang mundo. May pag-asa pa naman ito, kahit papaano. At patuloy kong hinahanap ang silahis nito.


6/11/2004 12:36 NU
Hindi ako naniniwala na patuloy na nabubuhay ang tao sa mundong sa tingin niya’y wala nang pag-asa.


6/11/2004 12:48 NU
The light of the remotest stars comes last to men; and until it has arrived, man denies that there are stars there. –Friedrich Nietzsche

Sisikat din ang araw. Titila rin ang ulan. Ngunit habang hindi pa dumarating ang araw na iyon, magpapaulan muna ako. Lulusob ako sa baha. Matutuyo rin naman ako kapag sumikat na ang araw.

Hahayaan ko munang magsanib ang luha ko at ang patak ng ulan.


6/11/2004 1:48 NU
Mahirap mambola.


6/11/2004 1:58 NU
Bakit hindi?


6/11/2004 2:08 NU
Hindi mo mababanghay ang “believe” kung walang “lie.”

Alam ko na may katuturan ito; hindi ko pa lang naiisip kung ano.


12/15/2007

ivory tower


*sa Tomas Morato

Sometimes, revolutionaries have ivory towers too.

Maybe more on this when I'm more coherent.

12/14/2007

How to be happy in a macho society


Sa Plaza Miranda

Never let your happiness depend upon anyone or anything. Things come and go, and can be gained and lost easily. People can disappoint you; a lot of factors govern their actions and decisions. And not all of these are favorable to you. You may be in a relationship, but you are still an unique individual. Your relationship should not define who you are; only you can do that.

So do not cry (or contemplate suicide or whatever) because a person you were expecting to make you happy disappoints you (que horror!). That is beneath you. You are worth much more than that.

Ang babae ay hindi laging umiiyak. Ang babae ay hindi laging mahina. Ang babae ay hindi laging umaasa sa tagapag-ligtas.


-----------------------------------------------------------------------------

Ang kantang ito ay tungkol sa pag-basag sa ilusyon ng lipunan kung ano ang babae. Padayon!


Babae

Kayo ba ang mga Maria Clara,
Mga Hule at mga Sisa,
Na ‘di marunong na lumaban
Kaapiha’y bakit iniluluha
Mga babae, kayo ba’y sadyang mahina?

Kayo ba ang mga Cinderella
Na lalaki ang tanging pag-asa?
Kayo nga ba ang mga Nena
Na hanap-buhay ang pagpuputa?
Mga babae, kayo ba’y sadyang pang-kama?

Ang ating isip ay buksan
At lipuna’y pag-aralan
Pa’no nahubog, inyong isipan
At tanggaping kayo’y mga libangan
Mga babae, ito nga ba’y kapalaran?

Bakit ba mayroong mga Gabriela
Mga Teresa at Tandang Sora
Na ‘di umasa sa luha’t awa
Sila’y nagsipaghawak ng sandata
Nakilaban, ang mithiin ay lumaya

Bakit ba mayroong mga Lisa
Mga Liliosa at mga Lorena
Na ‘di natakot makibaka
At ngayo’y marami ang kasama
Mga babae, ang mithiin ay lumaya

Ang ating isip ay buksan
At lipuna’y pag-aralan
Pa’no nahubog, inyong isipan
At tanggaping kayo’y mga libangan
Mga babae, ito nga ba’y kapalaran?

12/13/2007

Revised "Rosas ng Digma (Ang Tugon)"

Mula sa isang entry ni Danny Arao. Basahin niyo yan para maintindihan kung bakit ako natutuwa sa revised version.

Kinikilig ako. Isa kasi ito sa mga kantang nais kong awitin sa aking kasal. Haha. *blush*

Strike!



Tigil-pasada ngayon ang ilang mga operator ng dyip. Nasa Cubao sila kanina, nagpo-programa kasama ang ibang sektor na sinusuportahan sila.

Bilang karaniwang mamamayan (ibig sabihin sa kontekstong ito, hindi tsuper ng dyip) na laging gumagamit ng pampublikong sasakyan, paano ko ito titignan? Siyempre, perwisyo ang idudulot nito, dahil kung ang mga nagtigil-pasada ay mga dyip na sinasakyan ko tuwing ako ay aalis, maaapektuhan talaga ako.




Ngunit, minsan kailangan nating lumayo upang makita ang mas malaking litrato. Kung tutuusin, apektado na rin talaga ako dahil sa pagtaas ng presyo ng langis: nadagdagan na naman ang pamasaheng ibinabayad ko. Magtigil-pasada man sila o hindi, apektado na rin talaga ako. Hindi naman pwedeng panatilihing ganun pa rin ang pamasahe dahil kailangan magpa-gas ang mga dyip. Isa itong prized commodity na kung saan, kahit gaano pa ka-taas ang presyo nito, may bibili pa rin dahil necessity ito, at nag-iisang uri lang siya.

Ikalawa, tumataas ang presyo ng bilihin. Sa mga tsuper na ito, ang pagtaas na ito ay nangangahulugan ng pagbaba na naman ng buying power nila. At isang sektor lang sila sa mga nagrereklamo. Dahil sa liit ng kita, hindi na talaga kaya ang pagtaas ng presyo.

Kung tutuusin, ang ipinaglalaban ng mga tsuper ay karapatan din natin: ang karapatan na magkaroon ng gobyerno na interes ng mamamayan ang nasa isip. Kung kaya ang mga tsuper na ito ay hinihingi ang pagtanggal sa oil deregulation law (na kung saan hindi na gobyerno ang nangangasiwa sa presyo ng langis. Kumbaga, kebs na siya sa presyo nito) na salot naman talaga sa buhay nating karaniwang mamamayan.



Oil deregulation law, ibasura!

Placard


strike in Cubao, 13 December 2007

*naisulat noong ako'y nasa ikalawang taon sa kolehiyo. Ang tagal na pala.


Placard

Makibaka, ‘wag matakot!

Ever since I was a little kid, I have always been familiar with these words, given that I was born just three months after the EDSA revolution.

I have seen a lot of signs in my life, but this will always stand out. Maybe it’s because it reflects my innermost desire: to fight for what is just and right.

This desire, the concern for the welfare of other people, and the compulsion to do something about it, is called activism. At least, that is my interpretation of my mother’s vehement reprimands. And the reason she does not want me to become an activist is because she considers activism as a purely leftist activity.

Unfortunately, a lot of people share this view. They become suspicious of people who campaign for a better society. They contemptuously label these people as “reds,” “communists,” “leftists,” “rebels,” “anarchists,” “terrorists,” and the like. They consider investing time in such an activity as abnormal, and even worthless.

What, I ask you, is so wrong about lobbying not just for your own rights, but other people’s rights as well? What is so wrong about campaigning for a better government that actually serves the people, and not just the influential elite? What is so wrong about fighting for a better society, which respects each individual’s rights, regardless of gender, religion, age, sexual preference, schooling, and race?

Can we not see beyond our mundane existence, and see that other people exist as well? Can we not transcend our angst, and realize that there are more important things to be concerned about? Can we not leave, even just for a while, our gaudy cellular phones, our indulgent personal computers, expensive clothes, and luxurious jewelry in our air-conditioned comfort zones, and do something worthwhile so that one day, everyone can enjoy this opulence?

Can we not fight for an important cause people in the future will think about, and even be thankful for, like, I don’t know, a better world?

Kay Mavic (dahil sinabi mo noong ika-23 ng Pebrero na hindi sining ang paggawa ng karatula)


protesters in Cubao (Aurora), 13 December 2007


Nakita ko ito muli kagabi, habang nagsusulat ng isang sanaysay. Nasa unang taon ako ng kolehiyo nung isinulat ko ito.



Kay Mavic (dahil sinabi mo noong ika-23 ng Pebrero na hindi sining ang paggawa ng karatula)

Inilatag namin ang puting
katyang
walang laman
sa sahig. Itinabi namin dito ang
bukas na sisidlan ng
pula at
itim na
pintura. Inilapit namin ang maruming basong may
laman na tubig mula sa gripo at ang mga
brotsang gamit.

At nagsimula sa
itim. Tila umiilag ang katya
upang hindi ito mapahiran ng itim.
Natitiklop ang tela.
Dumidikit sa pintura sa brotsa ang tela.
Ngunit, iilang puting puwang
na lamang ang nalalabi.
Ibinabad muli ang brotsa sa pintura
at
nawalan ng
kibo ang mga
puwang.

Nagsimula

muli sa
pula. Naghalo ang
pula at itim, at
tumagos sa sahig ang tunggaliang ito.
Paulit-ulit.
Paikut-ikot.
Hanggang nanaig ang
maliwanag na pula, at lumitaw ang katagang
“Stop the oppression of campus journalism.”

*Mavic, hindi lamang tanda ng pagprotesta ang paggawa ng karatula. Tanda rin ito ng pagiging buhay

Panalangin sa pagiging bukas palad ng Hangad




Panginoon, turuan Mo ako maging bukas-palad
Turuan Mo akong maglingkod sa Iyo
Na magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa 'Yo

Nang makibakang di inaalintana Mga hirap na dinaranas
Sa tuwina'y magsumikap na hindi humahanap Ng kapalit na kaginhawaan
Na 'di naghihintay kundi ang aking mabatid
Na ang loob Mo'y siyang sinusundan

Panginoon, turuan Mo ako maging bukas-palad
Turun Mo akong maglingkod sa Iyo
Na magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa 'Yo

*Matutunan ko rin sana na hindi maging manhid sa harap ng katakut-takot na paglapastangan sa karapatang pantao.

12/11/2007

Front Runner


Ipinahiram sa akin ang librong ito ni Vijae. Medyo nahalina akong basahin ito dahil sa isang libro rin: ang Ladlad. Sa isang short story kasi sa katipunan ng mga akdang ito, binanggit ang aklat na Front Runner, at maganda ang pag-tukoy sa librong ito.

Ito ang kwento ni Billy na isang front runner (sa larangan ng pagtakbo, may dalawang uri ng lumalahok: ang front runner at ang kicker. Ang nauna ay ang mga laging una sa hanay ng mga tumatakbo sa simula ng paligsahan. Ang nahuli ay ang mga nasa hulihan naman hanay), ang coach niya na si Harlan (na kanyang magiging karelasyon), at ang daan nila patungong Olympics noong 60s.

Hindi ito libro na tungkol lamang sa libog, pagmamahal, at drama. Oo, marami ngang tagpo na itong tatlo ang bida, ngunit marami ring isyu ang binigyang pansin sa librong ito: diskriminasyon, pulitika, aktibismo, tunggalian, atbp.

Hindi ito typical na love story, hindi lamang dahil sa relasyon sa pagitan ng dalawang lalaki ang buod ng kwentong ito, kundi isinisiwalat din nito ang pinagdaanan nilang dalawa (at ilan pang malapit na kaibigan) upang makamit ang isang mithiin na hindi pa nakakamit noon: bading na kinatawan ng Estados Unidos sa Olympics.

Sa mga ayaw malaman ang kinahinatnan ng kwento, paki-laktawan ang sunod na talata. Salamat. :)

Sa dami ng pinagdaanan ni Billy upang makatakbo sa Olympics, nakalulungkot na mamatay siya habang lumalahok sa ikalawa niyang paligsahan. Ngunit naiyak talaga ako nung bumalik na si Harlan sa bahay nila, at nakikita ang mga gamit ni Billy. Damit. Sapatos. Pinggan. Para bang nakita ko ang sarili ko sa katayuan ni Harlan. Nakikita niya ang mga gamit ng kanyang mahal. Dahil sa mga ito, hindi niya maikaila na nabuhay ito, na nakasama niya ito. At ito ang masakit: na hindi niya na magagamit ang mga ito, na hindi na niya makakasama muli ang mahal niya.

Ganun naman talaga. Lalo na sa mga pinili ang buhay na ito. Alam mo, sa kahit aling oras o araw, maaaring mawalay sa iyo ang mahal mo. Maraming paraan: dukutin, patayin, kulungin, etc. Ngunit, hindi ito sapat na dahilan para talikuran ang tungkulin sa Sambayanan. O para hindi magmahal. Mas matibay itong dahilan upang magpatuloy. Babalewalain mo ba ang inialay niya/nilang dugo? Lalo na kung alam mo na isa ka sa mga laman ng isip nila bago sila nilagutan ng hininga?

Minsan tayo ang mga kickers. Laging nasa hulihan, kuntento sa kalagayan. Ngunit pag isa-isa nang nawawala ang mga front runners, mananatili ba tayong kickers?

-------------------------------------------------------------------------

Nalinawagan na ako: ang pagiging bading nga ay pinipili. Oo, inaamin ko mali ako. Ano, masaya ka na? ;p Dahil ang pagiging bading ay hindi lang tungkol sa sexual preference. Ito ay ang pag-amin din na ikaw ay bading.

human rights sa Pilipinas


















Kahapon ay ang International Day of Human Rights. Maaaring hindi natin nararamdaman na may karapatang pantao palang nagaganap sa Pilipinas, kung kaya marami ang nagpunta sa lansangan kahapon, at prinotesta ang mga kalapastanganan na ginagawa ng gobyernong ito sa ating mga batayang karapatan.




























































































Buhay pa rin kami. Nag-iingay pa rin kami. Lumalaban pa rin kami. At kahit isa-isa mo kaming paslangin, kunin, gahasain, o tortyurin, hanggang hindi natatapos ang pag-yurak mo sa karapatan ng Sambayanan, walang katahimikan. Dahil hindi iilan lang ang kinakalaban mo.




















Hindi daan-daan lang.


Hindi libu-libo lang.













Kundi ang buong Sambayanan!

12/06/2007

internal na tunggalian

pasanin natin

pasanin ng dalawa

pasanin

want to be like a comet


________________________________________________

When words fail me, I draw. Or take pictures.

state of mind

untitled

12/05/2007

DArn!


Christmas tree 2 by ~etsapwera on deviantART


Christmas tree by ~etsapwera on deviantART


Blame it on my being naive, but I never expected that my uploaded photos (see above) on DeviantArt would be downloaded without my permission. I thought that DA being a community of artists, photographers, and writers, members respect other people's work: asking permission first before downloading, etc. Hindi pala ganun.

At di ko rin naman naisip na kapira-pirata pala yung mga inu-upload ko. Hehe.

Ang effort pa. Nilagyan ko ang bawat isa ng watermark ng DA. Inisa-isa ko ang bawat 60 deviations ko. Grrr.

Ok lang naman kasi hingin yung photos. Di rin naman ako naniniwala na akin yun e. Nagkataon lang talaga nandun ako sa lugar na yun nung nagkaroon ng magandang kunan. Ang gusto ko lang e magpaalam sila, or kahit kaunting comment na "okay yung kuha mo, kaya ido-download ko." Mahirap ba gawin yun?

12/04/2007

After 9 years




Lumipas ang siyam na taon bago ko natapos ang librong ito ni Jostein Gaarder. Oo, siyam. Aba, nauna ko pang natapos ang Sophie's World bago ang librong ito. Bakit? Dahil nahirapan akong makakuha ng kopya ng Solitaire Mystery. Kumbaga sa isang pack of cards, ang Solitaire Mystery ang Joker: namumukadkad-tangi (dahil wala siyang tulad) ngunit mahirap hanapin (dahil hindi siya kailangan sa mga laro, kaya madalas, itinatapon na lamang siya).

Sinimulan ko ito basahin nung nasa ika-pitong taon ako ng elementarya. Wala kasi kaming guro sa isang subject, kaya wala akong magawa. Nakita ko na hawak nung kaklase ko ang librong ito. Naintriga ako, kaya binasa ko siya habang wala pang guro. Siyempre, di ko siya natapos. Kaya sa mga susunod na mga taon, patuloy akong nagtatanong sa mga kasama ko kung alam nila saan ako makahahanap nun. Ang problema, hindi nila alam yung libro.

Nakita ko rin ang Solitaire Mystery sa National Bookstore. Nasa ikalawang taon ata ako nun ng hayskul. Ang problema, mahal siya. Di ko kayang bilhin. Di ko naman maaaring ipabili sa magulang ko dahil hindi ako ganung tipong tao. Kaya ipinagpaliban ko muna ang pagbili ng kopya.

Hanggang sa kolehiyo, naghahanap ako ng murang kopya nito. O kahit kopya sa library. Para matapos ko man lang yung libro (utang na loob, ilang taon na ang nakalilipas, di ko pa tapos. Kumusta naman yun, di ba?).

At nung 1 Disyembre 2007. Nasa UP ako nun, kasama kr ko, kumukuha ng mga litrato ng Sunken Garden ng UP. Nagutom siya, kaya nagpunta kami ng Shopping Center. May maliit na bookstore na katabi ang Shopping Center. Sabi ko, sisilip lang ako sa bookstore. Lagi ko kasi ito nakikita, di ko lang pinapasok dahil wala akong oras tuwing dumadaan ako.

At dun ko natagpuan yung libro. Mas mura kumpara sa ibang bookstore, kaya binili ko na.

At sa wakas, matapos ang siyam na taon, natapos ko rin ang kwento.

Natutuwa nga ako, dahil medyo related ang siyam na taon kong kwento sa libro. Sa Solitaire Mystery kasi, iniwan ng isang babae ang kanyang asawa at anak sa Norway, at tumungo siya sa Greece. Paglipas ng walong taon, bumiyahe ang mag-ama mula Norway patungo sa Greece para puntahan at sunduin ang babae.

Parang ako lang. Kung saan-saan ko pa hinanap ang libro (pinahanap ko rin siya sa kr ko nung nagpunta siya ng Malaysia), at matapos ng mga taon, nahanap ko rin siya.

Ang dami kong gusto isulat, kaso di rin maiintindihan kung hindi pa nababasa ang libro. Hehe.

Basta, maganda ang libro. Dapat ito basahin. Ang ganda kasi ng pagkaka-gawa ng kwento. Kahit na may mga pagkakapareho ito sa Sophie's World.

12/03/2007

Very busy weekend


















30 November 2007




















1 December 2007















2 December 2007

12/01/2007

Maligayang bati, Gat Andres Bonifacio!














"Ayan na, ayan na, ayan na ang Sambayanan!"


At dahil kahapon ay kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, ako ay nag-mob. Bakit? Ano pa nga ba ang mas magandang paraan na ipagdiwang ang kaarawan niya kundi ang mag-protesta laban sa kabulukan at pang-aabuso ng kasalukuyang sistema?

Maglalagay ako ng mga litrato rito ng naganap kahapon dito kapag nagka-oras. Hehe.