11/29/2007

Hello?!


*phone rings*

Phone is answered.

"Hello?"

"Hello, pwede po makausap si Trina?"

*phone is passed to me*

"Hello? Trina ito. Sino ito?"

"Hello, Trina? Andyan ka ba raw? Pinatatanong ni Mommy. Baka raw kasi nasa Makati ka."

*tumambling na lang si Trina*

___________________________________________


Ingat kayo, kolektib. Monitor na lang ako rito. Ingat kayo ha? *hug*

coup-milos na


















* sa UP Diliman




Pinapipili ni Trillanes ang Sambayanan: si Gloria o pagbabago?

Bakit kailangan may ganitong kaganapan bago kumilos?

Bakit kailangan hintayin ang pagbabago?

11/28/2007

Sining Luwal ng Kanayunan

Nagpunta kami kanina sa exhibit ni Parts Bagani sa Galleria 2, UP Faculty Center. Ang gaganda. Sa sobrang tuwa namin, bumili na rin kami ng miniature prints.

Ang astig talaga kasi. May mga painting kasi na ang ganda nung mga kulay. Ang vibrant. Buhay na buhay.













Isa ito sa mga pinaka-gusto ko. Basta. :)


Meron naman na ang galing nung pagka-conceptualize. Yung tipong pag tinignan mo at second glance, meron ka pang ibang makikita.



















Nakatutuwa rin, kasi detalyado yung pagkakagawa. Tsaka may makukuha kang insights sa kung paano nabubuhay ang mga kadreng nasa kanayunan. (Tignan niyo maigi yan. May laptop sa kanang bahagi. Totoo!)















Nagustuhan ko rin ito. Para kasi siyang nakikipag-usap sa tumitingin:

















Aalis na ako ha? Marami pang nag-aantay sa akin doon. Kailangan talikuran ang nakasanayang buhay para sa malayang bukas. Ngunit hindi ko iiwan ang gitara ko. Kasama ko ito. Sabay kami lilikha at kakanta para sa mapulang bukas.

















Punta kayo!

11/27/2007

Saglit lang

You know what I miss?

This:















and this:




















Gusto ko uli maglaro ng basketball at soccer. Gusto ko matuto lumangoy para makapag-surfing ako. Gusto ko mag-kung fu at arnis uli.

Gusto ko, kahit isang araw, bola o baston naman ang hawakan ko, imbis na lapis o mouse. Gusto ko maglakad sa court o damuhan, imbis na sa lansangan. Pakinggan ko muna ang ingay ng mga naglalaro (at mga nagfi-feeling naglalaro), imbis na ang hinagpis ng Bayan kong api.

Sino game?

Saglit lang naman. Hindi ako tumatalikod sa aking gawain o tungkulin.

Last night


















*sa Mag:Net Cafe sa Katipunan

I think, alcohol is an acquired taste. Yes?

11/22/2007

Walang pamagat muli















*sa may Ortigas

Naaalala ko noon, tuwing kaarawan ko, isa sa mga hinihiling ko ay ang kalayaan:





















*sa Rizal


kalayaan na makapag-pasiya kung saan ako pupunta, at paano;





















*sa bahay


kalayaan na mag-isip at magsalita ng kahit ano na hindi hinuhusgahan;





















*sa NYC, Naga City, Bicol


at siyempre, kalayaan ng Pilipinas, ng Sambayanan.
















*sa NUJP


Unti-unti kong naintindihan na hindi pala ito hinihingi o nililimos o hinihintay. Ito'y ipinapaglaban at inaangkin.
















*sa UP Diliman

Ito'y ipinapaglaban, sapagkat ang pagkamit ng kalayaan ng isa ay nangangahulugan nang pagkawala ng alipin ng iba.
















*sa St. Paul

Ito'y ipinaglalaban dahil hindi naman ito materyal na bagay na maaaring ibigay ng iba. Ito'y batayang karapatan ng bawat isa.
















*sa Liwasang Bonifacio

Ito'y ipinaglalaban dahil sa panahon ng paniniil ng estado, ang natitirang kalayaan ng Sambayanan ay ang lumaban.
















*sa UP Diliman

Kaya ngayon, tuwing kaarawan ko, hindi na ako humihingi ng kalayaan. Sa bawat taon na ako'y tumatanda, sinisiguro ko na kasama ako sa mga kumikilos para sa kalayaan ng Bayan. Para dumating ang panahon na walang bata na kailangan pang humiling ng mga batayang karapatan, tulad ng kalayaan.


11/21/2007

Pretender




















si Grade 5 sa Ateneo de Naga University

It sometimes freaks me out how I can effortlessly say I feel fine when my whole world is collapsing, how I smoothly cover up any traces of tears or blood, how I can smile when I'm wallowing in disappointment, how my moves are still steady even if my insides are starting a revolution, how I can carry on when I know the inner Trina is already catatonic.

It especially freaks me out that I have been doing this for more than half of my life, and that by now, it is almost second nature to me, like it or not. And even if I've been trying to change this for the past few years, when something bad happens, I revert to pretending.

What's worse? I don't think anyone knows I'm pretending.

Alien




















NYC sa Naga City


I used to force myself to not belong. I intentionally liked the different colors, chose different clothes, cared about different things. This was how I wanted to express my individuality.

I see now I need not have done that. I sometimes feel that I am an alien, incapable of relating to others. I sometimes feel that I'm not close to people dear to me. Which is one of the reasons I'm convinced that I have an undiagnosed mental disorder.

You know what's utterly depressing? Being unable to articulate one's feeling of alienation (and sadness and loneliness), even if one is a writer.

11/20/2007

Paano mo gusto maalala?




















sa Ateneo de Naga


Nung bata ako, wala akong kaibigan. Maraming tao noon na iniisip nila na malapit sila sa akin, ngunit ako? Mailap ako sa kanila. Lalo na sa mga ka-edad ko. Di kasi nila ako maintindihan. Iba raw talaga iniisip ko, masyadong malalim, masyadong seryoso. Ang bansag sa akin ng iba, "gifted child" o kaya "genius." (Malala kasi ang colonial mentality sa skwelahan namin, kaya Ingles lagi ang bansag.) Umabot na rin sa punto na binansagan akong "autistic." Ayos lang. Palagay ko naman kasi talaga may high-functioning autism ako, di lang na-diagnose.

Noon, naisip ko, pag namatay ako, gusto ko maalala bilang "magaling na Trina." O "matalinong Trina." Kahit ano, basta nagpupunyagi ito sa laman ng utak ko. (Ito pa ang mga panahong obsessed ako sa mga results ng IQ tests noon sa school, at tuwang-tuwa ako dahil ang resulta ng akin ay hindi pang-karaniwan.) Yun lang kasi ang palagay ko noon na maaari kong iambag sa lipunan. Di ko gusto ang itsura ko noon (insecure). Di pa rin ako ganun kaayos magsulat, at medya-medya lang ang mga likha kong dibuho.

Ngayon? Masasabi kong matalino ako. At di ko kailangan pa ang mga IQ tests para masabi ito. May mga nagsasabi rin naman na may itsura ako. At mula sa point-of-view ng photographer (kuno), masasabi ko na medyo maganda pala ang rehistro ko sa camera (parang ugly duckling na naging swan lang).

May natutuwa rin sa mga dibuho ko, napupuri ako dahil maganda raw ang mga ito. Gayundin sa mga kuha ko gamit ang camera, at ang mga akda ko. At marunong na rin ako mag-ayos ng website.

Ngunit ayoko na ito ang maalala ng mga tao. Ang mga ito, naintindihan ko pagtanda ko, kaya naman yan gawin ng kahit sino e, ilagay lang sila sa katayuan ko. Ang mahirap e magmahal. Yung ibubuhos mo ang buong kaluluwa mo para sa iisang hangarin o tao. Yun ang mahirap.

Yun ang gusto kong maalala sa akin. Na ako'y taong nagmahal. Nagmahal, kaya nagbuhos ng oras at lakas para sa kalayaan ng Bayan. Nagmahal, kaya naglingkod sa Sambayanan. Nagmahal, kaya nakaintindi na kailangan niyang talikuran ang nakasanayang komportableng pamumuhay. Nagmahal, kaya nakita niya na may pangangailangan pang mas matindi kaysa sa sarili niyang pangangailangan. Nagmahal, kaya kumilos para sa kinabukasan ng susunod na henerasyon. Nagmahal, kaya kahit buhay, kayang ialay.

Pag ako'y lumisan na, sana ganito niyo/nila ako pag-usapan:


"Ah si Trina? Oo, matalino yan, manunulat, matanong, model, lights designer, photographer, at kung anu-ano pa. Ma-epal kasi yan e."

"Pero higit sa lahat, nagmahal yan."

11/19/2007

Listen

Sometimes it surprises me how he catches the most inane, half-baked comment I make. When we had dinner the other night, I was telling him that I do not want to become a journalist working for a mainstream company. I expected this announcement to be greeted with astonishment, because it is a big step for me. And hell, a big career risk, since a big avenue for career development has been blocked.

And he was like, "Oo nga, sinabi mo na yan noon." (Yeah, you already told me that ages ago.)

And I was shocked, not because of my ability to be consistent, but that he retained in his memory what a naive girl had said regarding the media industry. I had already forgotten that I had already made that statement, but when he reminded me that I had already told him of my career plans, I suddenly remembered why I had made that statement months ago, several months short of graduation.

So he listens to me. He actually does. Maybe not always the way I want him to listen, but the way he is capable of doing so. More importantly, he listens when I need him to.

Katipuneros Live!



















Nood tayo!

11/14/2007

Lunduyan 2007




















More here.