6/27/2007

Rosas ng Digma

Sumibol sa isang panahong marahas
Bawat pagsubok ay iyong hinarap
At hangga’t laya’y di pa nakakamtan
Buhay mo’y laging laan

Namumukadkad at puno ng sigla
Tulad mo’y rosas sa hardin ng digma
At di maiwasan sa iyo ay humanga
Ang tulad kong mandirigma

Ako’y nangangarap na ika’y makasama
Taglay ang pangakong iingatan kita
Ang gandang mong nahubog sa piling ng masa
Hinding-hindi kukupas, di malalanta

Ang kulay mong angkin, singtingkad ng dugo
Nagbibigay-buhay sa bawat puso
Tinik mo’y sagisag ng tapang at giting
Sa laranga’y kislap ng bituin

Ako’y nangangarap na ika’y makasama
Taglay ang pangakong iingatan kita
Ang gandang mong nahubog sa piling ng masa
Hinding-hindi kukupas, di malalanta

Ako’y nangangarap na ika’y makasama
Taglay ang pangakong iingatan kita
Ang gandang mong nahubog sa piling ng masa
Hinding-hindi kukupas, di malalanta

Gaya ng pag-ibig na alay ko, sinta


*Ayan na Mahal ha? May lyrics na tayo. Makukumpleto na natin ang pag-kanta sa awit na ito pagbalik mo galing Singapore. ;p

No comments: