6/09/2007

Kagabi

Natatakot ako.

Putangina ng mag-sabi na hindi ako natatakot.

'Tangina, natatakot ako.


Ngunit pinagninilay-nilayan ko pa rin ang pagtuloy.

Kahit na baka hindi na ako maka-uwi.

Kahit na maka-uwi man ako, baka nasa kabaong na.

Kahit na baka hindi na ako mamukhaan pag-uwi ko.

Kahit na babuyin man ako ng mga putanginang demonyo na nagkukunwaring tao.

Kahit na hindi ako mabigyan ng marangal na libing.

Kahit na hindi pa ako tumatapak ng trenta anyos.


Pinagninilay-nilayan ko pa rin ang pagtuloy. Pero 'tangina, natatakot ako.