5/15/2007

Salamat!

Salamat sa lahat ng bumoto, este, bumati. Sana rin matupad ang birthday wish ko. Noon kasi, lagi kong hinihiling ang kalayaan ng Pilipinas, kaso wala namang nagkakaloob sa akin noon (napagtanto ko rin na hindi ito ipinagkakaloob, kundi ipinaglalaban). Hehe. Kaya magse-settle na ako sa pagka-panalo ng Kabataan Partylist ng all three seats. Sana nga lang may nagbigay sa akin ng kandila, para hinipan ko. 'Tapos pumikit ako, at mataimtim na hiniling ang pangarap ko. Haha.

Salamat sa lahat ng bumoto (ano ba, bumati nga ibig kong sabihin). Pasensiya na kung hindi man ako naka-reply, bukod sa wala akong load, may mga ginagawa ako kanina (bukod sa pagboto).

O siya, siya. Matutulog na ako. Maraming salamat muli!

No comments: