5/15/2007

opo-sisyon

Sabi nila, problema raw ang oposisyon. Wala raw ginawang matino ang mga ito, kundi kumontra at mag-reklamo. Lagi na lang daw nagsasampa ng impeachment case laban kay Gloria. Pag naubos daw ang oposisyon, at puro raw magkaka-alyado (read: administrasyon) na lang ang naka-upo, mas mabilis daw na maipapasa ang mga batas, uunlad na ang Pilipinas.

Hindi naman santo ang mga nasa oposisyon. Hindi rin santo ang mga nasa administrasyon. Pag makikipag-usap ka sa mga tao, pare-pareho na silang mga pulitiko, regardless sa position nila sa House. At iisa lang naman ang ibig sabihin (usually) sa atin ng pulitiko: buwaya.

Subalit kailangan ang oposisyon. Kailangan may kumokontra. Kailangan may devil's advocate. Pag may humahamon sa batas na iyong nais ipatupad, (ideally) nagkakaroon ng debate na kung saan, hinihiwalay ang kailangan sa hindi. Para bang paghiwalay ng bigas sa darak.

Ngunit tila ang kahulugan ng oposisyon, ay ang mga taong ayaw kay GMA. Siya lagi ang isyu, si GMA. Nagmumukhang labanan lagi ng mga tuta ni GMA at ang mga may ayaw kay GMA.

Sa aking palagay, hindi naman kasi sila binubuklod ng isang hangarin (bukod sa mapatalsik si GMA sa pwesto). Kumbaga, ang tanging prinsipyo nila, e oust GMA.

Kung ang political parties natin sa Pilipinas sana ay matino, sana hinuhubog ang mga miyembro nito, ayon sa official stand ng party. Kaso, hindi. Kaya usong-uso ang mga political butterflies. Dahil para sa kanila, pare-pareho lang naman ang mga partido. Nagkaka-iba lang sa source ng resources (hehe), sinu-sino ang kasapi, saan ang headquarters, sino ang kaalyado ng mga naka-upo, at kung sino ang mga manok sa susunod na halalan.

Kailangan ng matinong partido sa Kongreso na hindi nagiiba-iba ang stand, dahil sa convenience. Kailangan marunong ito maghubog ng kanyang mga kasapi. Kailangan, hindi personality-politics. At siyempre, hindi dapat ito ang King Azaz sa Mathemagician (or vice-versa) ng administrasyon. Kailangan may prinispyo. Kailangan may ideolohiya.

Siguro nga. Hindi nga kailangan ang oposisyon. Ang kailangan ay principled opposition.

3 comments:

janie wanie said...

oo trina.. kasi nga, they're opposing on the person. sino nga ba ang oposisyon a few years ago? hindi ba un administration ngaun?

ibalik ang matinong party system, un partido ng prinsipyo.. at hindi un partido ng mga tao.

Biby Cletus said...

Cool blog, i just randomly surfed in, but it sure was worth my time, will be back

Deep Regards from the other side of the Moon

Biby Cletus

etsapwera said...

Thanks, Biby Cletus.

Oo nga. Si Defensor nga noon, kasama sa Spice Boys e.