5/13/2007

Mula kay Kats

From: sell-out
Date: Saturday, 12 May, 2007 11:31 PM
Subject: hi
Message: Sawa ka na ba sa pagrereklamo? Mga reklamong walang katapusan? Araw-araw, oras-oras, minu-minuto, may reklamo ka sa mga bagay na pakiramdam mo, wala kang magagawa kundi magreklamo? Di ka pa ba nagsasawa? Di ka pa ba pagod?

Ako?

Pagod na. Sawang-sawa na.

Kaya kikilos ako. Sa Lunes, boboto ako.

At sa partylist, KABATAAN ang iboboto ko.

Para sa pulitika ng PAG-ASA, PAKIKIBAKA, at PAGBABAGO.
Itaguyod ang KABATAAN PARTYLIST!

*At kagaya ng ibang Kabataan, ako ay pagod na rin. Sawa nang ikimkim ang galit na matagal ng naitago. Halos araw-araw pakiramdam ko wala akong magawa. Wala akong silbi. Pero sa gagawin ko sa Lunes, sigurado akong boses ko at ng iba pang Kabtaan ang maririnig. Pakawala raw ng oposisyon ang Kabataan. Nagkataon lamang na karamihan ng sektor ay may iisang hangarin na wakasan ang pagsasamantala ng nakaluklok sa Malakanyang kasama ng iba pa niyang alipores. Sa Mayo Katorse, ako'y maninidigan para sa Kabataan. Iboto, Kabataan Partylist!*

No comments: