5/26/2007

Panibagong template

Oo. Wala kasi akong magawa, kaya heto. Yun, at humihiling si Tsarlz na gawan ko raw siya ng bagong template. Dahil nagkataon na pareho kami ng gusto ng bg image para sa blog namin, kung walang kumpromiso na maabot, baka pareho na lang ang bg image namin. Ewan.

Ito ang mga naisip ko na bg images sa bagong template:


barrel.jpgbarrel.jpg


ikaw_ako.jpg ikaw_ako.jpg


matanda.jpgmatanda.jpg



Ano sa tingin niyo? Puro sila white ang background. Napansin ko lang. Parang ang saya kasi mag-drowing sa puting background. Parang papel lang na malinis.

May naalala ako na sanaysay, tungkol sa writer's block. Na kung saan, takot daw yung writer (at iba pa raw na manunulat) na magsimula sa malinis na puting papel dahil hindi nila kaya yung matinding pressure na mapuno yung papel. Kaya lumalala ang writer's block.

Siguro wirdo talaga ako, pero nasisiyahan pa nga ako kapag napaka-linis ng puting papel na sinusulatan ko. Kung titignan mo, yung tipong napaka-tahimik at maaliwalas. Not threatening at all. Ang iniisip ko kasi, ako ang magsisimula ng gulo sa papel. Kaya hindi ko talaga trip ang magsulat sa may linyang papel. Parang nasisikipan kasi ako sa espasyo. Sa pagitan ng dalawang linya lamang ako pwede magsulat. Yun yung naiisip ko kapag ganun ang papel. Pag may trabaho o sa skwelahan noon, ayos lang. Dahil lalo na sa skwelahan, ikinukulong naman talaga ako. Pero kung ako lang, ayoko talaga. Kaya yung mga personal journals ko, yung mga pahina nila ay walang linya.

May naalala akong quote. Nakita ko ito sa Fahrenheit 451 ni Ray Bradbury (na "ipinamana" sa akin ni Sir Toledo nung hayskul).

Ang sabi ni Juan Ramon Jimenez, "If they give you ruled paper, write the other way."

Noong una kong nabasa ito (third year hayskul ata), napa-isip ako ng mataimtim. Ang galing-galing talaga ng nakaisip nito, sabi ko sa sarili ko. Ang galing-galing talaga. Kasi naisip ko noon, na-encapsulate niya in a catchy quote ang tanging goal ko nung hayskul: ang maging non-conformist.

Oo nga naman. Wag kang sumunod. Pag may linya ang papel mo, sumuway ka sa ayos na dinidikta sa iyo; sa kabilang direksyon ka magsulat. Galing-galing talaga.

Ngunit, habang tumatanda ako, patuloy ko siyang pinag-isipan. Dahil siguro pilosopo ako, ginawa kong literal ang quote. Sabi ko sa sarili ko, e paano yun, katulad ka ng mga Hapon magsusulat, pababa? Kasi yun lang naman ang direksyon na pwede para kahit papaano, maayos pa rin sulat mo. Pwede rin pataas.

Naisip ko bigla: ngunit sumusunod ka pa rin, hindi mo lang alam. May direksyon ka pa ring tinatahak. It may not be exactly the same direction that was decided for you, but it was still pre-decided by someone else. Where's non-conformity in that?

Naisip ko tuloy, leche ang non-conformity. Itatapon ko na lang yung papel. O buburahin ko yung linya.

Magpapaka-Trina na lang ako.

5/22/2007

Sa loob ng adventure

Ang tagal ko na rin hindi nakakukuha ng litrato. Kaya eto. Pag-hawak muli sa camera, kahit ano ang kunan. Haha. Ang hirap pa kunan, nasa loob kasi ng gumagalaw na sasakyan. Ilang kuha lang ito. Yung iba, andito o andito.















Favorite 1

















Favorite 2



Galing 'no? Pwede pala hindi lang isa ang paborito. Haha.

5/18/2007

What's up with Makati?

Got lost in Makati today. Again. What's up with that city? I can say that I'm sort of spatially-gifted, but I always get lost when I'm in Makati.

Rewind. I had to get to Makati because of a meeting regarding the class suit against FG. Work-related. Anyway, I got there easy enough. I rode the MRT, then went down at the Buendia station. Unexpectedly, the jeep terminal I had to find is exactly where it is supposed to be: beside the gasoline station. Haha, I know it sounds funny (as in weird), but I already have this notion never to trust directions given to me: especially those pertaining on how to get to some place in Makati.

So anyway, I got into a jeep, and then I got off at Mapua (where Kuya Nonoy and I decided to meet up because Mapua's too large to miss). And because I had to be adventurous (and because Kuya Nonoy was late, haha), I decided to explore the whole block (which was occupied by Mapua). I reasoned that it's impossible for me to get lost, because I just had to keep turning left to get back where I started. It's what I learned from exploring the other cities (namely Manila and Quezon city). Something like this:


So there. I just had to follow my mental map of that block.

So I turned left. And then left again. And kept walking straight ahead. When I walked past all of Mapua's streamers (announcing new board passers), I realized that I should turn left at the next corner. So I kept on walking.

But when I reached the point where I estimated the next corner ought to be, it wasn't there. WTF?, I thought. Thinking that there had to be a logical reason, I simply assumed that I estimated wrong. No problem. I just had to turn left at the next corner.

So I kept walking, even seeing a dead dog inside a plastic bag in a trash pile. The dog was too large for the bag (think your usual askal inside a regular-sized plastic bag), so passersby can see flies on its jaw and eyes. And it smelled really horrible, like a dead rat. It really made an impression on me, as it was my first time to see a dead dog intact (as in not run over by a vehicle, etc). And I really did not think I'd see one in Makati, of all places. I kept thinking I should have taken a picture of it, but it was too gross. Really gross.

I kept walking. My mental map began to change into:


I began doubting that Makati was like the other cities I have explored. That is, it has its own laws regarding the spatial order of its streets and buildings.

Later on, when I passed by Rustan's (near the Ayala MRT station--- yikes!), I sent Kuya Nonoy a text message, saying that I was lost:

Trina: Di po ata sumusunod sa laws of physics ang mga kalsada ng Makati.
Kuya Nonoy: Haha! Binili na rin ata nila pati yun.

It sounded the right thing at that time, although when I thought about it a few minutes later, it didn't make sense. Which law was I actually referring to? Makati had me all mixed up, even science can't find the right explanation for the phenomena I was experiencing. And by this time, I have already given up making mental maps of Makati. That's what road maps are for, anyway.

I should have thought of taking off my clothes and wearing them inside-out for all the good that would have done. Haha.

5/17/2007

My Personal Dna Report



My Personal Dna Report



Uh, no?

(Nakuha ko mula sa isang lj entry ng pinsan ata ni Kathy. Kathy, may lj ba pinsan mo?)

Subukan niyo rin. I-click niyo yung link dun sa "Benevolent Leader." 'Tapos pagtawanan natin yung results nung akin. I-mouse over niyo yung mga tiles. Haha.

5/15/2007

opo-sisyon

Sabi nila, problema raw ang oposisyon. Wala raw ginawang matino ang mga ito, kundi kumontra at mag-reklamo. Lagi na lang daw nagsasampa ng impeachment case laban kay Gloria. Pag naubos daw ang oposisyon, at puro raw magkaka-alyado (read: administrasyon) na lang ang naka-upo, mas mabilis daw na maipapasa ang mga batas, uunlad na ang Pilipinas.

Hindi naman santo ang mga nasa oposisyon. Hindi rin santo ang mga nasa administrasyon. Pag makikipag-usap ka sa mga tao, pare-pareho na silang mga pulitiko, regardless sa position nila sa House. At iisa lang naman ang ibig sabihin (usually) sa atin ng pulitiko: buwaya.

Subalit kailangan ang oposisyon. Kailangan may kumokontra. Kailangan may devil's advocate. Pag may humahamon sa batas na iyong nais ipatupad, (ideally) nagkakaroon ng debate na kung saan, hinihiwalay ang kailangan sa hindi. Para bang paghiwalay ng bigas sa darak.

Ngunit tila ang kahulugan ng oposisyon, ay ang mga taong ayaw kay GMA. Siya lagi ang isyu, si GMA. Nagmumukhang labanan lagi ng mga tuta ni GMA at ang mga may ayaw kay GMA.

Sa aking palagay, hindi naman kasi sila binubuklod ng isang hangarin (bukod sa mapatalsik si GMA sa pwesto). Kumbaga, ang tanging prinsipyo nila, e oust GMA.

Kung ang political parties natin sa Pilipinas sana ay matino, sana hinuhubog ang mga miyembro nito, ayon sa official stand ng party. Kaso, hindi. Kaya usong-uso ang mga political butterflies. Dahil para sa kanila, pare-pareho lang naman ang mga partido. Nagkaka-iba lang sa source ng resources (hehe), sinu-sino ang kasapi, saan ang headquarters, sino ang kaalyado ng mga naka-upo, at kung sino ang mga manok sa susunod na halalan.

Kailangan ng matinong partido sa Kongreso na hindi nagiiba-iba ang stand, dahil sa convenience. Kailangan marunong ito maghubog ng kanyang mga kasapi. Kailangan, hindi personality-politics. At siyempre, hindi dapat ito ang King Azaz sa Mathemagician (or vice-versa) ng administrasyon. Kailangan may prinispyo. Kailangan may ideolohiya.

Siguro nga. Hindi nga kailangan ang oposisyon. Ang kailangan ay principled opposition.

Salamat!

Salamat sa lahat ng bumoto, este, bumati. Sana rin matupad ang birthday wish ko. Noon kasi, lagi kong hinihiling ang kalayaan ng Pilipinas, kaso wala namang nagkakaloob sa akin noon (napagtanto ko rin na hindi ito ipinagkakaloob, kundi ipinaglalaban). Hehe. Kaya magse-settle na ako sa pagka-panalo ng Kabataan Partylist ng all three seats. Sana nga lang may nagbigay sa akin ng kandila, para hinipan ko. 'Tapos pumikit ako, at mataimtim na hiniling ang pangarap ko. Haha.

Salamat sa lahat ng bumoto (ano ba, bumati nga ibig kong sabihin). Pasensiya na kung hindi man ako naka-reply, bukod sa wala akong load, may mga ginagawa ako kanina (bukod sa pagboto).

O siya, siya. Matutulog na ako. Maraming salamat muli!

5/14/2007

'Tangina niyo

'Tangina niyo

May nakarating sa akin na balita na DINADAYA ang KABATAAN PARTYLIST sa BATANGAS sa pamamagitan ng pagbilang ng BOTO para sa KABATAAN sa ANAK PARTYLIST.

PUTANGINA NIYO. Mga kupal kayo, hindi ba kayo marunong magbasa? Ha? Tangina niyo, magkano ba ang binayad sa inyo para sa mga dangal niyo? Piso? Mga putangina niyo. Kung hindi niyo kayang manalo sa MALINIS na paraan, wag na kayo lumahok, mga hinyupak kayo.

Halatang-halata e! Tahasang pandaraya ang ginagawa niyo. Ano, bobo ba kayo para hindi mabasa ng tama ang KABATAAN? Malapit ba ang spelling ng ANAK sa KABATAAN? Ano ba? Kung mandadaya kayo, ayusin niyo naman! Lantaran masyado, mga gago!

May araw din kayo, 'ina niyo.





Obviously, kung babasahin ko ito muli days from now, maiisip ko na grabe ang reaction ko.

Wala akong pakialam.

Ito ang reaksyon ng isang first-time voter, at isang mamamayan na nangampanya sa abot ng kanyang makakakaya para sa isang partido na pinaniniwalaan niya. Isang nilalang na umaasa na maririnig ang kanyang boses sa Kongreso sa pamamagitan ng isang partido--- isang tunay na partido para sa kabataan.

Putangina. Asa pa.


Kuryente pala. Hindi pala totoo. But still. Cheating is not entirely impossible...

5/13/2007

Teka

Ate Len, nakikiramay po ako.

Mula kay Kats

From: sell-out
Date: Saturday, 12 May, 2007 11:31 PM
Subject: hi
Message: Sawa ka na ba sa pagrereklamo? Mga reklamong walang katapusan? Araw-araw, oras-oras, minu-minuto, may reklamo ka sa mga bagay na pakiramdam mo, wala kang magagawa kundi magreklamo? Di ka pa ba nagsasawa? Di ka pa ba pagod?

Ako?

Pagod na. Sawang-sawa na.

Kaya kikilos ako. Sa Lunes, boboto ako.

At sa partylist, KABATAAN ang iboboto ko.

Para sa pulitika ng PAG-ASA, PAKIKIBAKA, at PAGBABAGO.
Itaguyod ang KABATAAN PARTYLIST!

*At kagaya ng ibang Kabataan, ako ay pagod na rin. Sawa nang ikimkim ang galit na matagal ng naitago. Halos araw-araw pakiramdam ko wala akong magawa. Wala akong silbi. Pero sa gagawin ko sa Lunes, sigurado akong boses ko at ng iba pang Kabtaan ang maririnig. Pakawala raw ng oposisyon ang Kabataan. Nagkataon lamang na karamihan ng sektor ay may iisang hangarin na wakasan ang pagsasamantala ng nakaluklok sa Malakanyang kasama ng iba pa niyang alipores. Sa Mayo Katorse, ako'y maninidigan para sa Kabataan. Iboto, Kabataan Partylist!*

5/11/2007

10 Reasons Why We Should VOTE KABATAAN

1. KABATAAN ito, kapatid!
Ang Kabataan Partylist ay natatanging
partylist na itinatag, pinamumunuan, at
itinataguyod ng mga kabataan para sa
interes nating mga kabataan.

2. STRENGTH IN NUMBERS
May mga chapters ang Kabataan Partylist
mula Luzon hanggang Mindanao. Ni-uunite
nito ang mga kabataan ng sangkapuluan
hindi lang sa kongreso kundi sating mga
paaralan, komunidad at pagawaan.
Kinikilala din nito ang lakas ng ating
pinagsamang tinig at boses sa Mababang
Kapulungan maging sa lansangan.

3. Because IT IS RIGHT!
Yes, Education is a Right! Iginigiit at
itinataguyod ng Kabataan Partylist ang
karapatan nating kabataan sa edukasyon
sa pamamagitan ng dagdag na pondo sa
edukasyon at kagyat na pagpapatigil ng
tumitinding komersyalisasyon ng
edukasyon.

4. PANG-KABUHAYAN Showcase!
Isinusulong din ng Kabataan Partylist
ang pagkakaroon ng disenteng trabaho at
kabuhayan hindi lamang para sa mga
kabataan kundi para sa lahat ng
mamamayang Pilipino.

5. STAR STUDDED ITO!
Who else kundi sina Papa Dennis Trillo
at Ate Angel Locsin ang nag-eendose ng
Kabataan Partylist sa kanilang video sa
You Tube! Tulad nila ay sumusuporta din
sa mga itinataguyod ng Kabataan
Partylist sina Dino ng Brownman
Revival,
Datu's Tribe, Ciara Sotto, Marvin
Agustin, Paolo Ballesteros, at our very
own Atom Araullo!!! O diba, i-star
i-studded! (para mapanood, pumunta lang
sa www.kabataanparty.com)

6. TALENTADO TAYO!
Kinikilala ng Kabataan Partylist na
mahalagang pagyamanin din ang sports,
kultura, at sining para sa pagpapaunlad
ng Kabataang Pilipino. Para naman hindi
nasasayang ang ating mga angking
kakayahan at talento, di ba?

7. PEACE, MAN!
Sinusuportahan ng Kabataan Partylist
ang
mga batayang karapatan ng bawat
Pilipino
na mamuhay sa isang lipunang mapayapa
at
malaya mula sa krimen, pagkalulong sa
droga, giyera, militarisasyon, peligro
sa kapaligiran, dekadenteng kultura,
prostitusyon, kagutuman, at
diskriminasyon sa kasarian, edad,
kapansan, at relihiyon.

8. SERVE THE PEOPLE!
Kinikilala ng Kabataan Partylist ang
papel

lunes lunes lunes

Sa Lunes na. Sa Lunes na. Sa Lunes na.




















(To those who really know me, you know what I'm talking about.)

I'm pretty nervous. I really can't focus, which is a bad thing, since there's going to be a meeting with TF Usig tomorrow morning.

My feet are cold, and I have a queasy stomach. And I think I'm on the verge of tears.

Monday. Monday. Monday.