4/21/2007

Hindi na

Sa nakaraang linggo, ako'y dinadalaw ng balisa. Yung tipong balisa na nagkukuta sa ilalim ng kamulatan mo. Yung hindi masyadong nagpapakita, ngunit nagpaparamdam. Hindi mo mahuli, ngunit paulit-ulit na dumadaan sa puwang ng mga daliri mo.

May kinalaman sa pag-trabaho ko. At pag-lipat. Kaya kasi ako dito nagtrabaho dahil sa aking palagay, ito'y malaking hakbang patungo sa nais kong maabot sa buhay. At sa aking palagay, ito na ang pinaka-"mapusok" na maaari kong gawin habang nasa poder pa ako ng mga magulang ko.

Ngunit nanibago ako. Hindi siya tulad ng inaasahan ko. Ayos lang naman ang trabaho, pati mga tao doon. Ayos din ang location nung opisina. Pati sahod, ayos na rin sa akin (ngunit kung ang nanay ko ang tatanungin--- wag na. Hindi naman siya ang nagtatrabaho). Wala pang dress code. Pwede kang pumasok ng naka-tsinelas at shorts araw-araw. Saan ka pa?

Ngunit pakiramdam ko, nawala yung pagka-ugnay ko sa masa (na hindi naman talaga ganun katatag to begin with, which is why I decided it's about time I worked on it, starting with working for a job I deem as "acceptable"). Na hindi pala ito ang "dream job" ko.

Nalilito ako, walang makausap tungkol sa bahaging ito ng buhay ko. Hindi lahat mapagkakatiwalaan tungkol dito, at hindi naman lahat makapagbibigay ng akmang payo. Alam ko kung sinu-sino ang makakausap ko tungkol dito, ngunit hindi ko sila mahagilap lahat. Gawain.

Nakatulong kahit papaano ang pakikipag-harap ko sa ilang tao na ito malipas ang ilang araw, at kahit papaano naman ay nakatulong sila, kahit na parang usapang lasing ang naganap. Ngunit hindi pa rin napanatag ang loob ko.

Hindi ko aakalain na ang nakapagdulot ng ligalig sa akin ay siya ring sagot. Oo, sa trabaho ko rin natagpuan. Figures.

May pinagagawa sa akin sa isang Powerpoint file, kaya binuksan ko ito. At dahil mag-isa lang ako nun, nagpapatugtog na rin ako ("Duyan ng Digma") habang tinitignan yung file. At yun, walang warning, BOOM, sumambulat sa akin ang dahilan kung para kanino ko ito ginagawa, kung sino ang pinaglilingkuran ko.

Mga larawan ng scholars ng NUJP ang nakita ko. Sila'y anak ng mga slain journalists, at tumutulong sa pagpa-paaral ang NUJP sa kanila. Silang mga musmos na nawalan ng magulang dahil sa skewed sense of justice ng mga makapangyarihan. Mga pag-asa ng bayan na sa maagang pagkakataon, nakaranas ng dahilan kung bakit maraming kababayan nila ang nawalan na ng pag-asa sa Bayan.

Naluha na lang ako. Wala na akong maisip kundi, "Putangina nila, tangina nila. Ito ang mga biktima. Ang mga batang walang alam. Tangina nila." Habang umiiyak ako. Putangina nila.

Sila ang masa sa larangang ito. Sila ang biktima. Ang api. Ang dukha. Ang pinagmalupitan. Ang pinag-nakawan. Wala na silang pinag-kaiba sa mga manggagawang pinatay dahil sa paghingi ng kakaunting pagtaas sa kanyang sahod, o ng magsasakang pinaslang dahil "ang lupa ang dahilan."

Nakahanap ako ng isang matatag na rason. Nakita ko na rin ang mukha niya, at alam ko na ang pangalan niya. Naibsan ang tunggalian sa loob ko. At kahit ano pa sabihin ng nanay ko ("Siyempre, papatayin sila, e lagi ba naman nagki-criticize..."), buo pa rin ang loob ko. Napanatag na ito.

Hindi na ako naliligaw.

4/15/2007

CPP denies girl killed in clash was NPA member

Article posted April 07, 2007 - 09:02 PM

Even as it condemned the incident, the Communist Party of the Philippines (CPP) vowed "revolutionary justice" Saturday for the killing of a nine-year-old girl whom the military killed in a firefight in Compostela Valley last March 31.

CPP spokesman Gregorio "Ka Roger" Rosal said that while the CPP denies nine-year-old Grecil Galacio was a member of the New People's Army (NPA), the NPA has been ordered to mete justice to her killers.

"The New People's Army will take every effort to make sure that the innocent child's killers will be made to pay for their vicious crime," he said in a statement on the CPP website (www.philippinerevolution.net).

Rosal also condemned the military Saturday for covering up the murder by tagging Galacio as an "11-year old child soldier of the New People's Army."

He said the Philippine Army's 67th Infantry Battalion "deliberately shot" Grecil Galacio, 9, while she was running from the military's volley of fire.

"The soldiers had initiated an attack against NPA fighters they spotted near the Galacio family's residence in Barangay Kahayag, New Bataan, Compostela Valley," Rosal said.

He also criticized the AFP for having �no respect at all for international humanitarian rules of war that protect noncombatants."

Citing reports from the area, Rosal said Grecil had been living in the area with her parents and siblings, and was on her way to the nearby creek to bathe when soldiers started firing at her from an elevated position.

She sustained gunshot wounds in her arms and head.

"The CPP and the entire revolutionary movement condemn in the strongest possible terms the senseless and savage killing of nine-year old Grecil Galacio by the fascist troops of the AFP," said Rosal.

Worse, he said the military tried to justify their heinous crime by coming out with the "incredible tale" that Grecil was a "child soldier," and that they saw her carrying an M-16 rifle even before the firefight and that she fired at them during the firefight.

Such tales, he said, are "a complete distortion of the truth."

Also, Rosal dismissed as "ridiculous" the claim made by AFP Eastern Mindanao Command chief Lt. Gen. Rodolfo Obaniana that his soldiers mistook Grecil for an adult male combatant, "because she was good at using the M-16."

He said even Grecil's mother was incredulous.

"My daughter is so small. Nine years old. And then they say she's NPA?" she said.

Grecil had just recently finished Grade 2 at the nearby SimSimen Elementary School.

Rosal further condemned the AFP for "desecrating Grecil's fallen body by placing alongside it an M-16 rifle and taking pictures of her with the planted rifle in a devious attempt to cover up their crime.
"The photo showed Grecil's height was about the same as the length of the M-16 rifle," he noted. - GMANews.TV

4/08/2007

Gets ko na!

Gets ko na ang ibig sabihin nito:

"Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan..."
-Tatsulok

But it doesn't make me feel any better.

4/07/2007






















Pagtatapos

Ayan. Ako'y nakapagtapos na sa kolehiyo nung nakaraang buwan. Wala akong espesyal na karangalan na natanggap. Hindi tulad nung nakaraan kong pagtatapos, na may loyalty award pa akong natanggap. Haha.

Wala akong hinanakit dito, ang kawalan ng karangalan sa loob ng skwelahan. Matagal na akong namulat sa katotohanang hindi lang naman sa loob ng skwelahan maaaring magkaroon ng karangalan. O na ang karangalan sa loob ng skwekalahan ang pinakamahalaga.

Nakapagtapos ako sa takdang panahon na apat na taon, kahit na lumipat ako ng skwelahan nung nasa ikalawang taon ako sa kolehiyo. Itong pagtatapos mismo, ito'y tagumpay. At karangalan na rin.

Ngunit, wala akong maramdaman na tagumpay. Pasasalamat lang at relief na ako'y tapos na sa kolehiyo. Hindi ko na kailangan muling bumalik sa apat na sulok ng klasrum kung nanaisin ko, at makipag-tuos sa mga guro. At alam ko, given ang track record ko, hindi lang ako ang nagpapasalamat.

Wala akong nadaramang tagumpay sa pagtatapos. Hindi ko nararamdaman na tapos na ako sa paghihirap. Dahil alam ko, kung sinu-sino man ang nakatunggali ko sa aking pag-aaral, ay sila pa rin ang makakasagupa ko sa labas. Mga matatalinong taong nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan. Mga taong nagmamarunong ukol sa totoong estado ng lipunan. Mga taong walang pakialam sa nagaganap sa kapaligiran, basta may panggastos sila gimik, pang-toma at pang-yosi nila. Mga taong gumagawa ng sarili nilang mundo para makalayo sa hinaing ng api.

Nasaan ang tagumpay? Hindi ko makita, hindi ko maramdaman. Patuloy ang pang-aapi, ang pang-aabuso. Patuloy ang pag-kuha at pag-patay ng gobyerno sa mga mulat na mamamayan. Patuloy ang militarisasyon sa kalungsuran at kanayunan. Patuloy ang lokohan. Patuloy ang karahasan. Patuloy ang pag-labag sa karapatan ng Sambayanan.

Hindi ko nararamdaman na ako'y tapos na sa pag-aaral. Sa loob siguro ng pamantasan, oo. Pero ng lipunan, ng masa, hindi pa. At hanggang sa huling hibla ng hininga ko, ako'y nag-aaral pa rin: nag-aaral kung paano gumagana ang kasalukuyang sistema, at kung paano, sa wakas, ito'y maibabagsak at mapapalitan.

virtual dust

Dahil marami akong ginagawa (raw), hindi na ako masyadong magu-update ng blog ko. Kahit hindi ko naman siya ginagawa talaga, mula ngayon, hahayaan ko na lang siyang maalibukan ng virtual dust. Hehe.

Hanggang sa susunod. Kung kelan man yun.