1/25/2007

the little kid fights back

T-shirt: Part 1
(Upon seeing a shirt with a party-list logo printed in front)

Nanay: Ano ito?
Trina: T-shirt po.
Nanay: Hindi, ano nakalagay?
Trina: Kabataan Party-list po.
Nanay: O, e ano naman yan?
Trina: E di party-list po. Sila po bale yung representatives naming youth sa Congress, 'pag nanalo sila. May taga-paglaban na kami sa Kongreso!

T-shirt: Part 2
Nanay: Ano uli pangalan ng t-shirt mo na yan?
Trina: Wala po pangalan yung t-shirt.
Nanay: Hindi; ano yung nakalagay?
Trina: Ano nga po, Kabataan Party-list. Yung only youth party nga lang po sa Pilipinas.
Nanay: (smoke coming out of her ears) Hindi ko marining na sumasali-sali ka sa mga rally niyan, ha!
Trina: Wala pa nga po akong ginagawa, may warning na agad ako. Hindi pa nga po ako kumikilos, pinagagalitan na ako!

Mesa
(Nagliligpit si Trina, habang pinagagalitan siya ng nanay niya)

Nanay: Ikaw, dahil babae ka, dapat marunong ka maglinis sa bahay. 'Pag nakapangasawa ka ng barumbadong lalaki, baka bugbugin ka lang 'pag di ka marunong mag-linis!
Trina: Marunong naman po ako maglinis e. Tsaka kung ganun, e di bugbugan na lang po kami.
Nanay: A ganun. Sinasabi mo lang yan. At babae ka. Dapat talaga ang babae, naglilinis ng bahay!
Trina: Hindi lang dapat babae! Dapat ang lalaki, marunong din kumilos sa bahay. Hindi lang dapat babae!

4 comments:

Tam_bolero said...

Mga magulang nga naman. Buti na lang di na 'ko nakatira sa kanila kundi namatay na 'ko sa alta-presyon mula sa tatay ko. haha

Oi, nagpunta si Tsarlz sa gig namin kagabi sa Mag:Net, ah? Ba't di ka niya sinama, aber? ;p Hoy Tsarlz!!

etsapwera said...

Wala ako dahil gabi na yun. Baka ako naman patayin ng nanay ko. ;p Hindi ko kasi matantiya kung kailan ako mapagagalitan dahil gabi na ako umuwi. Sa susunod na lang. Hoy, bakit nga ba "last gig" mo na raw?

Tam_bolero said...

haha Inuunahan na malamang ni Kakoi. Sa totoo lang, last gig as a regular member, to be more accurate. Matapos yung gig na yun, "floating" status na ko dahil maghahanap na sila ng replacement sa'kin. 'Di ko kasi alam kung makakatugtog pa ko nang regular habang nagpapalipad sa Pampanga sa darating na Abril. Ngunit habang wala pang nag-a-audition, papalo pa rin ako. No choice. Uy, imbitahin niyo naman kami, err sila, sakaling may gig sa inyo! haha

mong said...

basta hindi maeetsapwera ang kabataan partylist sa halalang ito. salamat sa pagbanggit ng ating partylist sa iyong blog