9/03/2006

Pagkatapos ng unos

Tapos na rin ang thesis defense. Final thesis defense. 6/12 votes ang nakuha ko. Ayos lang siguro (lalo na kung iisipin ko kung sino ang mga panelists ko), ngunit hindi ko pa talaga sigurado ang resulta: kung gagawa lamang ako ng bagong interactive CD, o ire-retest ko sa mga respondents ko yung CD ko.

Sa palagay ko, ayos naman yung score. Pwede na. Ang hindi lang talaga maayos, e yung paraan nila ng pag-puna sa study na ginawa ko. Destructive na kasi. Hindi nakatulong sa ikagaganda at ikabubuti ng study ko. Dahil kulang na lang, sabihin nila na ulitin ko ang buong thesis ko.

Ilan sa mga sinabi sa akin, na mas magaganda pa raw yung ibang PowerPoint Presentations kaysa sa CD ko na ginawa ko with Flash. Na pathetic yung CD na ginawa ko, dahil ang boring niya. Flat daw masyado. At dahil sa tingin nila, ineffective ang CD na ginawa ko, hindi nila maisip kung paano natuto yung resfung CD (“But of course, it’s her paper. She can make it appear that way.”).

Harsh kung harsh na sila. Ngunit hindi ba dapat nakatutulong ang puna? At hindi nito dapat iniinsulto ang isang tao sa pamamagitan ng paghihinalaan na nag-imbento siya ng data?

Ito lang ang masasabi ko: ‘Tangina niyo, akala niyo alam niyo ang lahat, na may monopolya kayo ng katotohanan. Ulol. Kalokohan ang sinasabi niyo na nais niyo lang makatulong sa thesis ko. Leche. Hindi iyon ang hangad niyo. Ang hangad niyo, ihubog ang thesis ko ayon sa nasa isip niyong na dapat. Mga hindot kayo!

Naisip ko tuloy: wala naman nag-dedefend ng thesis niya sa totoong sense nito. Kung saan, kaharap mo ang mga panelists, at ilalahad mo ang study mo. Ipapaliwanag mo kung bakit ganito ang ginawa mo. At hindi sila magagalit dahil sinasagot mo ang mga tanong nila, na hindi mo tinatanggap agad ang kanilang mga suhestiyon para sa iyong thesis, dahil sa iyong palagay, ito’y lumilihis na sa study mo. Bibigyan ka nila ng marka ayon sa pag-sagot mo, at kung alam mo talaga ang ginagawa mo.

Dahil sa katotohanan, ang nasi lang marinig ng mga panelists e ang nais nilang marinig. At ang nais nilang marinig e naaayon sa sarili nilang bias at pulitikang isinusulong. Dahil lahat naman, merong bias at pulitika.

Kaya hindi ako nanghihina sa ibinigay nilang marka. Dahil kung sa ibang tao ko ihaharap ang study ko, sigurado akong ibang marka ang makukuha ko. Yung nakuha kong marka, marka ko lang yun sa kanila. Hindi nito nasasabi kung gaano kaganda ng thesis ko, at lalong hindi nito nasasabi kung anong klase akong tao.

Buti na lang din nakaranas na ako ng matitinding mga kabiguan bago nito. Dahil kung hindi, malamang na naramdaman ko na binagsakan ako ng langit, at napaiyak sa harap nila. Makadadagdag pa rito ang pag-asta nung chairman ng panel ko. Tumayo siya at sinabi niya (sa harap ko, habang nagsasalita ako) na inaantok siya, lumabas ng kwarto, bumalik, natulog sa upuan, gumagamit ng mobile phone niya.

Basta alam ko na ginawa ko ang lahat na makakaya ko. Pati na rin ang dapat kong ginawa, tinupad ko. At basta alam ko kung para saan at kanino ang ginawa ko. Hindi na bale yung grade.

Nakakapagpabagabag lamang na marami pang magkakaroon ng kaso katulad sa akin dahil sa kanya. Dun lang talaga ako nanghihina. Na mukhang may mga hindi na gagawa ng experimental thesis dahil baka siya ang maging chairman muli ng panel nila. At yun ang nakapanhihinayang.

A basta. Tapos na! Good luck na lang sa mga kasalukuyang gumagawa ng kanilang thesis.