6/26/2006

Bakit nga pala progressive?

Wala lang. Naalala ko lang. Itinanong kasi nung Sabado sa amin yun. Ano raw ang ibig sabihin ng salitang progressive.

Naalala ko tuloy nung papunta kami ng Bicol last month. Humirit yung nanay at tatay ko na "Progressive na pala ang lugar na ito, ano?"

Nagulat ako. Hindi ko maalala kung saan yun exactly (kung Bicol ba o Quezon), pero alam ko na sa area na yun ay aktibo ang kilusan. Todo-suporta rin ang mga tao doon. 'Ika nga ng kr ko, "Ang daming nakasulat na certain dun."

So alam nila ang ibig sabihin ng progressive? Paano? Gulung-gulo at litung-lito ako nun. Akala ko kasi talaga e wala nang pag-asang imulat ang nanay ko. Meron pa pala.

Pero kumusta naman. Ang tinutukoy pala nila e yung mga bangko tsaka sasakyan sa lugar na yun. Yun pala ang ibig sabihin nila nang progressive. Oo nga pala. Yun ang tipikal and mainstream definition ng progressive.

Tanong: Bakit nga ba nagka-ganun? Saan nga ba nanggaling ang depinisyon ng progresibo (aktibong kilusan, mapusok, para sa masa, atbp)? Ano ang konteksto nito?

Sagot: Hindi ko alam. Pero, sa tingin ko, ganito yun: kaya siya tinawag na progresibo dahil sa pasulong ang momentum niya.

Paano naging pasulong? Dahil kung titignan ang kasaysayan, may pattern na sinusundan. Feudalism. Capitalism. Socialism. Communism. From left to right. Feudalism to Communism. Kumbaga, communism ang pinnacle ng evolution. Dahil ang naghaharing-uri na rito ang proletaryat.

Sa feudalism kasi, may tunggalian na nagaganap sa pagitan ng pesante at panginoong may lupa (PML). Kapag na-resolba na ito, aakyat naman ang lipunan sa sistemang capitalism. May tunggalian pa rin: sa pagitan naman ng kapitalista at manggagawa. Kapag nagwagi ang uring manggagawa, sila na ngayon ang may hawak nang kapangyarihan. Rebolusyon ng proletaryat. Ito ay ayon sa pagkakaintindi ko.

Pasulong, dahil hangga't may nagtutunggaling uri, magbabago't magbabago ang lipunan. Habang may nagtutunggali, magbabago ang lipunan upang mabuo ang isang lipunan na kung saan, wala nang nagtutunggali. Magtutunggali ang thesis at antithesis upang magkaroon ng synthesis. At maya't-maya'y ang synthesis ay magiging thesis, at may susulpot na antithesis, at sila ay magtutunggali hangga't may mabuo muli na synthesis.

(Ewan. Naisulat ko lang naman ito dahil hindi ko maalala yung sagot sa tanong na, "Ano ang ibig sabihin nang progressive?".)

1 comment:

Tsarlz said...

progresibo ba? ginagamit ng kung sino-sino ang salitang iyan. marami mga pulitiko. kahit ang kaaway ginagamit din iyang salitang iyan. kita mo nga naman, pati nanay mo ginamit ang salitang progressive.

mayroon din tayong ibig sabihin ng progressive. binanggit mo na nga. patuloy nating pagsikapan ang bagay na iyon na inaasam natin.