5/01/2006

Mapa-blogspot o livejournal, o tabulas ka man

Wala naman. Naiintriga lang ako. Sa makababasa nito, kung trip mo, sana matugunan mo ito:

Bakit ganyan ang username mo sa lj account mo?

Ako magsisimula. Saan nanggaling ang etsapwera?

Hango ito sa isang nobela ni Jun Cruz Reyes (ang paborito kong manunulat), na ang pamagat ay "Etsa-Pwera." Tungkol ito sa mga taong nasa laylayan ng kwentuhan kapag kasaysayan na ang pinag-uusapan. Sila yung mga hindi na masyadon napapansin.

Actually, family history siya nung persona. Yun nga lang, yung mga kamag-anak niya ay may nagawa rin pala sa kasaysayan, hindi nga lang masyadong hayag.

Marami nang naisulat si Jun Cruz Reyes, mula tula, maikling kwento, nobela. Ang paborito ko talagang akda niya e "Utos ng Hari", isang maikling kwento tungkol sa isang estudyante na malapit nang ma-kick out sa skwelahan niya, na kung tutuusin, e isang masamang balita. Ngunit sa kanya, parang "Good riddance!" lang ang hirit niya sa pangyayaring ito, dahil sa nararamdaman niyang malalang alienation di lang sa skwelahan niya, kundi sa buong sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Etsapwera ang naisip kong gamitin, dahil nais kong ialay ang aking account sa mga ineetsapwera sa lipunan, sa pamamagitan ng mga posts na may-kiling sa kanila.

Sana nga lang nagagawa ko nga yun.

O, ano? Game!

2 comments:

Karen said...

paborito ko rin si jun cruz reyes! nung binasa ko yung "utos", dun ko naisip na magsusulat ako sa filipino :)

nasagot ko na yung tanong mo sa blog ko hehe :D

palihan said...

salamat at nagustuhan mong gamitin ang konsepto ng 'Etsa-Pwera' sa Blogspot. Jun Cruz reyes ito.

ang email na ginamit ko ay ang opisyal na e-mail add na pinapadalhan ng mga aplikante para sa libreng 'on-line workshop'na ibibigay ko.