5/15/2006

Belated post: Dapat nung Araw ng Manggagawa pa ito e

Ayos lang naman. Nagtext siya kaning 330pm na tutungo silang Mendiola. Ire-reclaim uli. Sana nga ma-reclaim. Kaso dumaan kami kanina ng Mendiola papunta sa Liwasan. Lahat ata ng pulis na sa Liwasan naka-deploy, andun lahat sa Mendiola. Sana ayos lang siya, sila; hindi pa siya nagtetext uli e.

Ganun talaga e. May mga bagay na kailangan kang gawin kahit na alam mong posibleng masaktan ka, o ikamatay mo. Dahil may responsibilidad kang magsalita para sa mga hindi makapagsalita. Ang lumaban para sa hindi makalaban. At ayusin ang lipunang ipamamana mo sa susunod na henersayon. Para hindi na nila kailangang dumanas ng hirap. Para hindi na nila danasin ang hirap ng pakikibaka.

Ingat ka, Mahal. Dala mo ang ating pangarap: ang isang malayang lipunan para sa ating magiging anak, at sa mga kasama niya.



Update: Ayos, hindi sila yung binanatan, at nakapagprograma pa raw sa may Mendiola.

1 comment:

Tsarlz said...

masaya mag rally. karamihan ng kakilala ko, hindi nila maintindihan kung bakit ako nagpapakahirap sa ilalim ng araw o nakikipagsiksikan sa maraming mga tao. hindi nila maintindihan kung bakit may naghihirap. hindi nila alam ang ibig sabihin ng bawat chant na isinisigaw ko.

ang lahat ng ito ay lalo lamang nagpapalakas ng sigaw ko. mas lalo kong isigaw nang mas malakas ang bawat chant. ito ay dahil sa bawat sigaw na ito, isang kasama ang namumulat.