4/26/2006

Tulad sa text message ko kay Miss Bello

Came from my first picket yesterday. Now that I've had a glimpse of the "other side", I don't know if I'll look at my world as kindly as before.

Grabe. Kakaiba talaga. Parang immersion trip na sobrang ikli. Pero hanggang ngayon, nagmumuni-muni pa rin ako.

Picket kasi yun ng ANGLO-KMU (Alliance of Nationalist and Genuine Labor Organizations-Kilusang Mayo Uno). Ginanap siya sa harap ng South Supermarket sa Valenzuela (Kulit nga e. South Supermarket sa medyo parteng norte ng NCR).

Hindi ako miyembro ng ANGLO. Napasama ako, kasi gumagawa ako ng artikulo para sa Bulatlat, na tungkol sa minimum wage increase. Kailangan kong may makapanayam na minimum wage worker.

ANGLO yung ibinigay sa aking contact. E di yun, nag-interview ng pabrika sa Valenzuela. Naikwento sa akin ni Kuya Marshall (yung taga-ANGLO na sinamahan ako) na may piket daw ng alas singko hanggang alas syete. Naisip ko na konektado rin naman siya sa artikulong gagawin ko, kaya sumama na rin ako.

Kaso, walang sasakyan. Dapat kasi, papunta doon sa piket line, may sasakyan, 'tapos lalagyan ng "trompa." Yun yung loud speaker system. Para nakakapag-prop habang nasa daan, at malaman ng mga tao na may nagaganap na piket.

Nahuli ang simula dahil walang sasakyan. Di rin kasi gagana yung loud speaker kapag walang battery. Yun din pala. Kailangan may battery na mapagkabitan yung trompa para gumana.

Tatlong beses kaming sinubok na paalisin ng management, pero nagkaroon naman ng compromise, kaya tuloy pa rin. Kaso, trenta minutos na lang yung itinagal ng piket.

Tsaka ko na siguro dadagdagan ang masasabi ko tungkol sa post na ito. Kapag tapos na akong magmuni-muni.

No comments: