4/02/2006

Hinaing

Ako lang ba, o tadtad ang TV ngayon ng mga patalastas ng mga produkto ng Nestlé? Kape, gatas, sorbetes.

Siguro napansin ko lang dahil pare-pareho yung treatment nila. Oo, kahit na pare-pareho ang brand nila, at iisa lang ang logo na lumilitaw sa mga patalastas, hindi ko pa rin mapapansin yun kung hindi pare-pareho ang treatment nila. Ganoon ako kadalas manood ng TV (note sarcasm here).

Sa mga patalastas nila, puro masasaya ang mga tao. Yung tipong may sariling mundo sila kung saan masaya silang lahat, parating may party, lobo, puro laro lang ang inaatupag ng mga bata. Para bang yun lang ang nagaganap sa mundo.

Ikumpara ito sa patalastas ng Fita, kung saan inunahan ng lalaki ang galit niyang girlfriend (dahil nahuli yung lalaki sa usapan nila) sa pamamagitan ng pagsampal sa sarili niya, habang sinasabing, I hate me! I hate me! I hate me!”

Sa Fita kasi, hindi mo maikakailang may mga ganoong klaseng girlfriend sa totoong mundo (hindi ko rin maikakaila na may mga pagkakataong ganoon ako). Masklap, pero totoo. Yung sa Nestlé kasi (lalo na doon sa sorbets na patalastas), kahit na oo, in reality may mga nanay na namimili ng sorbets para sa kaarawan ng anak nila, masyadong “masaya” yung patalastas. Tuloy, hindi na siya lumalabas na makatotohanan.

Hindi ko naman hinihiling na i-resolve nila yung labor issues sa mga patalastas nila. Hindi ko rin hinihiling na i-acknowledge man lang nila ang presence ng labor issues sa kumpanya nila. Kahit na hindi ko maubos maisip kung paano nila kinakayang mag-project ng gano’ng klaseng image, e sa likod ng matatamis na ngiti ng mga modelo nila, mapapait ang karanasan ng mga manggagawa ng Nestlé sa Pilipinas (at ayon sa teacher ko [Ms. Pam], maging sa buong mundo).

Ang hinihiling ko lang naman e bawas-bawasan nila ang pagiging escapist ng mga patalastas nila. Siguro biased ako in favor of ads na medyo off-beat (medyo natuwa ako dun sa Fita ad). OK din naman ang pagkakaroon ng mga ads na “masaya”, pero kapag masyado na kasing masaya, hindi na kapani-paniwala. Parang all fluff and no content, yun ang pumapasok sa isip ko tuwing naiisip ko ang mga ganitong klaseng patalastas.

Isa pa. Dun sa ad naman nila sa kape. May hirit pa sila na, you are helping our Filipino farmers… Tuwing bumibili ka raw ng kape nila, supposedly natutulungan mo raw ang mga magsasakang Pinoy sa kabuhayan nila.

Alam ko kulang ang kaalaman ko tungkol sa isyung ito (kung sino man ang may pasensiya na ipaliwanag sa akin ang nagaganap doon [in a nutshell], maraming salamat!), ngunit nakapanlilinlang ang hirit nilang yon. Ang alam ko, kaya nga nagrereklamo ang mga manggagawa doon, ay dahil hindi naibibigay ang sweldong katumbas ng trabahong ginagawa nila.

So bakit sila humihirit na makakatulong ang pagbili ng kape nila sa mga magsasakang Pinoy? Ibig ba nilang sabihin na, sa kontekstong ito, magkaiba ang magsasaka sa manggagawa?

Ang sakit pala sa ulo nitong industriyang papasukin ko. Grabe. Kailangan mong matutong mabulag para mai-package mo ng maganda ang produktong pinapa-advertise sa iyo. Dahil kung hindi ka naniniwala sa sinasabi mo, pangit ang kalalabasan ng patalastas. O niloloko mo na ang sarili mo. O wala ka na talagang pakialam.

Grabe. At kung ilabas mo naman ang mga isyu, malamang na may magsabi sa’yo na (hindi verbatim) “ang communicator ay parating naghahangad ng peace.” Parati raw nasa side ng peace ang communicator, at hindi siya dapat nagso-sow ng seeds of discontent. Based on experience ito, pare.

Ang question ko lang dito, e paano kung andoon na talaga yung mga isyu? Paano kung gusto mong ilabas ang isyu para mapag-usapan nang harap-harapan, at matapos na ang isyu? At paano kung may basehan (ibig sabihin, factual evidence) yung mga isyu? Wala ka pa rin bang karapatan ilahad ang mga ito, dahil baka mag-sow ka pa ng seeds of discontent, at ang communicator ay hindi dapat gumagawa nito?

Naaalala ko ang sinabi ng teacher ko noon, si Ms. Bello: I think communicators/media have the responsibility to expose ills in society kahit na it will lead to ‘revolution’ as long as the information has factual evidence.

Salamat talaga sa mga taong katulad niya. Salamat at may hindi pa nabubulag ng mga matatamis na mga ngiti, makukulay na lobo, malulusog na mga bata, at mga produktong masarap nga sa dila, ngunit masakit naman sa puso.

Salamat at may mga nakakakita pa rin sa mga mapapait na karanasan sa likod ng masasayang patalastas.

4 comments:

Anj said...

Halloo. :)

Ano ba talaga yung kwento ng mga manggagawa ng Nestle? Parati ko kasing naririnig na may masasamang nangyayari diyan, pero wala naman akong alam na mga detalye.

alphalpha said...

hi anj..punta ka sa website ng bulatlat...meron dun extensive na discussion about that issue.

cress said...

onga, kaasar na ang marami sa mga ads ngaion. escapism? good point.

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/