4/09/2006

A, ewan

Dala ito ng article ni Rina Jimenez-David, ang “Boys will be boys?

Naalala ko tuloy yung sinabi ng guro ko noon, na dapat maingat ang isang babae sa pananamit niya, para hindi mabastos. Sinabi ko, hindi dapat gano’n. Sabi niya, kasi raw, nakikita sa pananamit ng isang tao yung pagkatao niya. So kung marami raw ipinapakitang parteng katawan ang damit niya, mababastos siya.

Ang sabi ko naman, hindi nga dapat gano’n. Dapat labas na ang ibang tao sa bihis niya. Hindi na niya dapat isipin pa ang iisipin ng ibang tao sa porma niya. Andami-dami nang problema sa mundo, pati ba naman yun, pag-aaksayahan niya pa ng oras?

Sabi niya, pero dapat naman, ayon sa okasyon. Dapat kung formal ang okasyon, e di formal ang suot.

Ok, pero ang tinutukoy ko e yung bihis na pangaraw-araw. Problema na dapat ng tumitingin kung nililibugan siya sa suot nung nakikita niya. Hindi yung may suot ang problema. Yung tumitingin ang may mali, dahil kung anu-ano ang pinag-iisip niya.

May responsibilidad daw yung tao sa pananamit niya. Na dapat daw, hindi siya bastos. Kasi hindi naman daw kontrolado ng ibang tao yung kung nililibugan sila, kaya nambabastos sila.

A, ewan.

3 comments:

Tsarlz said...

madalas sinasabi naming mga kalalakihan kapag may babaeng nagagalit kapag sinisilipan siya na kasalanan ng babae na sinisilipan siya. kung ayaw nyang silipan, wag siyang magsuot ng ganun.

subalit tama ang iyong punto. ang mga lalaki ang naghahanap ng labis sa kung ano ang ipinakikita ng babae. sa ganitong punto, hindi na iyong babae na nagsuot ng maikli ang may problema, ang lalaki na.

etsapwera said...

Ngayon, sana mai-communicate lang yang comment mo sa teacher ko...

Tsarlz said...

aba e pagbasahin mo siya ng blog mong ito! :))