3/27/2006

Awit ng Pag-asa

Isa ito sa mga paborito kong kanta. Bukod sa mabilis yung beat niya, nabubuhayan din ako sa lyrics niya. Ito yung madalas kong kantahin tuwing ako'y nalulungkot, naghihimutok (tulad ngayon), o walang magawa.

Iba talaga yung epekto ng kantang ito sa akin. Dahil siguro, kahit papaano, may nakikita akong pagkakapareho sa buhay ko, at sa daan na tinatahak ng mga Pulang Mandirigma. Na kahit ano pa man ang mangyari, hindi dapat mawalan ng pag-asa dahil tuloy pa rin ang laban.


Awit ng Pag-asa

Kahit kay haba ng lalakbayin
Daang tag-araw man ang humagupit
Kahit ilang libong tag-ulan ang sumapit
Hinding-hindi tayo titigil

Dahil mithiin natin palayain
Bawat isa sa mga alipin
Sa gitna man ng gutom, kahirapan at pasakit
Hinding-hindi tayo susuko

Kahit na may bagyo
Kahit na may unos
Kahit may libu-libong kaaway
Kahit na magapi at isa ang matira
Sa ating dakilang hanay
Tayong manggagawa at magsasaka
Sambayanan ay muling babangon
Ipagtatagumpay ang bawat labanan
Sa buong daigdig

Kahit hadlangan ng libong armas
Ang ating hukbo ay hindi aatras
Lakas ng masa ang ating sandigan
Saan mang laranga’at digmaan

Kahit na may bagyo
Kahit na may unos
Kahit may libu-libong kaaway
Kahit na magapi at isa ang matira
Sa ating dakilang hanay
Tayong manggagawa at magsasaka
Sambayanan ay muling babangon
Ipagtatagumpay ang bawat labanan
Sa buong daigdig

4 comments:

alphalpha said...

aller! astig yung blog title mo, at yung paglagay ng tula ni eman lacaba. maganda rin yung "tutubi, tutubi wag kang magpahuli sa mamang salbahe" ni JCR at yung "bawat kasama'y singhalaga ng punlang palay" (tula ni clarita roja)...

etsapwera said...

Oo nga, astig din yun! Pero ang paborito ko talagang isinulat ni Jun Cruz Reyes ay yung maikling kwento niyang "Utos ng Hari." Salamat sa pag-suggest ng mababasa.

kutlin said...

OK sa ID picture ah. Sketch ni Koyang Jess kung d ako nagkakamali. Nway, am sure lam mo rin ang mahuhusay nyang tula tulad ng Hayaang Mangusap ang Aking Gitara. Ewan kung saan na napunta ang kopya ko ng Halina. Baka me nakakaalam kung paano ko uli magkakakopya ng maalamat na album na iyon. Q!

Anonymous said...

pRa sA mGa wAlAng kWinTanG MgA LeAdEr ng AtiNg bAnSa, Na wAlAng GiNaGawA sA aTing bAnSa KunDi AnG mAnGurAkoT...