3/30/2006

Your political compass


Economic Left/Right: -7.75
Social Libertarian/Authoritarian: -6.15

Ang political compass test ay matatagpuan sa www.politicalcompass.org

*Hindi siya katulad ng ibang tests, na kung saan, ang resulta ay mailalagay sa blog.

3/28/2006

Sino si Bertolt Brecht ?

Astig. Mero'n palang nagpa-uso ng communism sa theatre. Yun ang natutunan ko sa madaliang takadang-aralin na ipinapapasa mamayang hapon.

Kung nais mong basahin ang tungkol sa kanya, i-click mo na lang ito.

3/27/2006

Awit ng Pag-asa

Isa ito sa mga paborito kong kanta. Bukod sa mabilis yung beat niya, nabubuhayan din ako sa lyrics niya. Ito yung madalas kong kantahin tuwing ako'y nalulungkot, naghihimutok (tulad ngayon), o walang magawa.

Iba talaga yung epekto ng kantang ito sa akin. Dahil siguro, kahit papaano, may nakikita akong pagkakapareho sa buhay ko, at sa daan na tinatahak ng mga Pulang Mandirigma. Na kahit ano pa man ang mangyari, hindi dapat mawalan ng pag-asa dahil tuloy pa rin ang laban.


Awit ng Pag-asa

Kahit kay haba ng lalakbayin
Daang tag-araw man ang humagupit
Kahit ilang libong tag-ulan ang sumapit
Hinding-hindi tayo titigil

Dahil mithiin natin palayain
Bawat isa sa mga alipin
Sa gitna man ng gutom, kahirapan at pasakit
Hinding-hindi tayo susuko

Kahit na may bagyo
Kahit na may unos
Kahit may libu-libong kaaway
Kahit na magapi at isa ang matira
Sa ating dakilang hanay
Tayong manggagawa at magsasaka
Sambayanan ay muling babangon
Ipagtatagumpay ang bawat labanan
Sa buong daigdig

Kahit hadlangan ng libong armas
Ang ating hukbo ay hindi aatras
Lakas ng masa ang ating sandigan
Saan mang laranga’at digmaan

Kahit na may bagyo
Kahit na may unos
Kahit may libu-libong kaaway
Kahit na magapi at isa ang matira
Sa ating dakilang hanay
Tayong manggagawa at magsasaka
Sambayanan ay muling babangon
Ipagtatagumpay ang bawat labanan
Sa buong daigdig

3/21/2006

Pananim


Ito ang unang tula na isinulat ko na ganitong klase (kung ano yung "klase" na sinasabi ko, hindi ko alam). Sa panahong isinulat ko ito, nangangapa pa ako sa Filipino. Sinasanay ko ang sarili kong magsulat sa wikang ito dahil naisip ko na hindi tama na inggles lang ang alam kong wika. Tsaka nakakasawa na rin na puro sa wikang inggles lamang ako nagsusulat.

Bukod sa wika, nangangapa rin ako ng istilong gagamitin sa tulang ito (o treatment). Naisip ko kasi na hindi naman pwedeng gamitin ko yung istilong ginagamit ko sa mga inggles kong tula, dahil una, mas mahahaba ang salitang Filipino; pangalawa, magkaiba sila ng indayog; at pangatlo, may sariling grammar rules ang Filipino. Tsaka mas mayaman ito sa imahen kaysa sa inggles.

May pinapatignan kasi sa aming mga larawan noon sa isang digital subject ko. Umagaw sa pansin ko ang isang larawan na kung saan, may dalawang kamay na nagsisilbing lalagyan ng maliit na kumpol ng lupa, na may tumutubong maliit na halaman. Kulu-kulubot yung kamay, at kung may kulay yung larawan (lahat na pinakita sa amin e black and white), kayumangging-kayumanggi siguro yung kulay ng balat.

Naisip ko kaagad na mga kamay yun ng magsasaka. Na sila ang nasusunog sa ilalim ng araw, nababasa sa ulan, at nabababad sa putik para may maihapag tayo. Ngunit sila rin ang inaapi sa pamamagitan ng mabababang sahod, matataas na collateral sa pautang, militarisasyon, at kung anu-ano pa. Silang mga bumubuhay sa atin ang unti-unting pinapatay. Silang mga pag-asa ng bukas ang hindi na kayang mabuhay ngayon.


Pananim

Inihahanda ang lupa para sa bagong patanim sa pamamagitan ng:
1. Pagbunot sa lumang tanim. Siguraduhing walang matitira, nang tumubo ng maayos ang bagong pananim.
2. Bungkalin ng maigi ang lupa. Dapat siguraduhing mahalo ito. Dapat mapunta sa itaas ang nasa ibaba. Dapat patagin din ang lupa.
3. Hukayin ang lupa para sa pananim. Huwag masyadong malalim— baka hindi na ito maabot ng liwanag ng araw, at mamatay. Huwag din masyadong mababaw, baka madala ng tubig, at makain ng ibon. Katamtaman dapat ang hukay.

Ngayon, ilagay na ang pananim sa tamang panahon. Tabunan ng lupa. Diligan. Siguraduhing katamtaman ang sikat ng araw na natatanggap nito. Bantayan.

Balikan sa tamang panahon upang anihin ito. Siguradong hinog na.

At sa kahinugan:
Siguraduhin na ang makikinabang ay ang mga kamay na nagbunot, nagbungkal, naghukay, nagtanim, nagdilig, nagbantay, at nag-ani sa pananim.

Image hosting by Photobucket

Wala lang.

3/19/2006

Luisita labor leader shot dead

First posted 07:39am (Mla time) Mar 17, 2006
By Tonette Orejas Inquirer

A leader of the United Luisita Workers Union (ULWU) at the Cojuangco family-owned Hacienda Luisita sugar estate in Tarlac province was shot dead at 12:30 a.m. on Friday.

Tirso Cruz, director of the ULWU, was the first leader of the union who was felled since the year-old strike at the estate was resolved in December last year, according to Roman Polintan, chair of the militant Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) in Central Luzon.

According to Polintan, Cruz was walking home when assailants ambushed him in his village Pando in Concepcion town, Tarlac.

The victim, who is also a barangay kagawad (village councilman), had just left a Roman Catholic chapel where a “pabasa” (Lenten reading of the Passion of Christ) was being held.

Cruz died on the spot.

mula sa http://news.inq7.net/breaking/index.php?index=2&story_id=69697

3/14/2006

Lifetime Achievement

Wala naman. Nais ko lang i-post dito ang tula na isinulat ko noong nasa unang taon pa lang ako ng kolehiyo (nasa ikatlong taon na ako ngayon).

Naisip kong isulat ito habang gumagawa kami ng exercise problems sa Chem class ko. Natawa lang kasi ako sa mga itsura namin: ang bibilis ng mga panulat namin, sobrang focused kami sa pag-gawa namin sa Lewis structures ng kung anu-anong elements na naisip ng teacher namin ipag-bond. Nakakatawa itsura namin, kasi kung intindihin namin yung pinagagawa, parang yun na ang pinaka-mahalagang bagay sa buong mundo.

Kung ano ang silbi ng pag-post ko nito, hindi ko alam.


Lifetime Achievement

We spend our days
scribbling, as if our lives depended on it.
We seek the proper molecular arrangement
of randomly-given molecules, and attain this
by making the least electronegative element
the central
atom, then drawing a line between two electrons
to bond them, and counting, to see
if it contained the correct number of
electrons needed to make an octet.
We grope around Lewis structures,
looking for the right combination
Of the number of electrons to be distributed
Between the waiting elements,
figuring out how many bonds
there are between them,
and what their formal charges are,
if any.
And we sit back and stare at
What we’ve done,
Some pencil scribbles occupying a sixth
Of a white, spiral notebook paper.


3/05/2006

Ang rebolusyon ay isang ampalaya

Sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi ko gagawin ito: ang gawing personal journal ang blog na ito, na walang ine-edit. Bakit? Kasi may notebook naman ako para doon (Notebook: ito ang tawag sa mga papel na magkakapareho ang sukat, na naka-bind. Para ito sa pagsusulat [o pambabato, pwede rin]. May dalawang matitigas na papel [o plastik] na nagsisilbing takip [o cover] nung mga papel. Ancestor ng blog.). Bakit kailangan ko pang ilahad ang lahat ng iniisip ko? Bakit kailangan ko pang dagdagan ang basura na nasa Internet?

Simple lang: dahil naniniwala ako na hindi basura ang ilalahad ko. Yun lang naman. At ito na nga.

Noong isang araw, kumakain kami ng aking mga kaklase ng tanghalian sa aming canteen. Isa sa amin, may ulam na crab sticks. Humirit yung kaklase ko, na masarap daw "yung ano, taba ng alimango na 'pag kumain ka no'n, mahihilo ka. Ano uli tawag do'n?"

Hinirit ko naman, "Baka kasi may cyanide yung alimango kaya ka nahihilo." Siyempre, alam ko na mataas kasi sa cholesterol yung aligue, kaya nakahihilo. Binibiro ko lang siya, pero sumakay yung isa ko pang kaklase, sinabi niya na, "Hindi, kaya ka nahihilo dahil mataas yun sa cholesterol."

Inulit ng kaklase ko yung tanong niya: "Ano uli tawag dun?" Sabi ko, "Aligue." Mali pa yung intonation ko.

Nag-react yung isa ko pang kaklase. Bakit daw gano'n, kung ano yung masarap, yun yung masama, yun ang bawal. Napaisip ako ng sandali sa sinabi niya, bago ko sinabi na masarap ito, dahil bawal. "Oo nga, gano'n 'ata talaga," sang-ayon ng kaklase ko.

Tumahimik ng saglit ang mesa namin. Subo, nguya. Napa-isip din ako sa sinabi ko. Masarap, dahil bawal. Bawal, dahil masama para sa atin. Kung gano'n, ang kabaliktaran ba ay totoo rin? Ang dapat para sa atin ay hindi masarap? Ang mabuti para sa atin ay hindi masarap?

Naalala ko bigla yung pagpatay kay Ricardo Ramos, lider ng CATLU. Hindi talaga masarap ang pagkamatay niya, lalo na sa kanyang pamilya. Pero pinatay siya dahil nakikipaglaban siya upang mabago ang represibong sistema sa Hasyenda Luisita. At pati yung 14 na namatay dun. Napatay sila dahil may ipinaglalaban silang pagbabago, na 'di hamak na makabubuti para sa kanila. At ngayon, natitikman na ng kanilang mga kasama ang mga unang matatamis na butil ng asukal.

Nag-aalangan akong humirit: "Parang... rebolusyon. Hindi siya masarap, at marami ka dapat isakripisyo para rito. Pero makabubuti sa atin..." Natawang hinirit naman ng kaklase ko, "At parang ampalaya! Mabuti siya para sa atin pero ayaw ng karamihan ng mga tao dahil mapait." Pabiro ko namang sinabi, "Ibig sabihin, ang panganganak ay mabuti rin para sa atin?"

Kung tutuusin, magkakarugtong ang sinabi namin: rebolusyon, mapait, panganganak. Ang rebolusyon (o kung anumang pagbabago) ay di hamak na mapait. Mahirap tanggapin. Ito ay dahil kailangan mong talikuran ang iyong nakasanayan upang harapin ang pagbabago. Kaya mapait. Dahil kailangan mong tanggapin ang mga pagbabago, maluwag man sa kalooban mo o hindi, dahil ito ay dala ng pag-tanda. Walang magaganap na pag-unlad sa iyo kung hindi mo ito tatanggapin. At kasama sa pag-tanda ay ang pag-bunga ng bagong buhay.

Panganganak. Isang masakit na karanasan, ayon sa mga nakaranas na nito. Kakaiba rin, dahil ang sakit na mararamdaman ay unang beses mo pa lang mararamdaman sa buong buhay mo. Parang pagbabago. O rebolusyon. Masakit ito, oo. At madugo. Sobrang madugo. Ngunit habang may dugong umaagos, may buhay na nagbabago. Habang may dugong umaagos, may diwang hindi nagagapi. Habang may dugong umaagos, patuloy ang pakikibaka para sa isang malaya at magandang bukas.

3/02/2006

Tarlac

Tula ko ito na hindi ko pa naaayos. Naaayos, kasi pina-critique ko na sa kaibigan ko, at hindi ko pa naisasaayos yung mga suhestiyon niya.

Sinulat ko ito nung gabi pagkatapos pinatay si Ricardo Ramos, lider ng CATLU. Ipinagdiriwang niya ng mga kasama niya yung unang yugto ng kanilang tagumpay--- babayaran na sila nung sweldong ipinagkait sa kanila ng ilang taon--- nang binaril siya sa ulo ng asintadong tao.

Nag-text sa akin yung kr ko nung gabing pagkatapos pinatay si Ramos. Nasa mob daw sila sa Baguio, pinoprotesta yung naganap na pagpatay sa lider ng manggagawa.

Hindi ko alam: parang nakaramdam ako ng matinding lungkot--- at galit. Ang kanilang tagumpay ay nabahiran pa ng dugo ng kanilang kasama. Pero ganoon nga 'ata talaga yon: ang tagumpay ay parating may kaakibat na sakripisyo--- at pag-danak ng dugo.


Tarlac

They died so that so that one day, children
will be free in the land of
freedom. –Jenny Sweet


They toil under the hot boiling sun,
burning their skin to a crisp brown,
as they are cooked in their own
sweat tears and blood.
Their bare feet traverse the dry hard earth
scorching their calloused heels,
as their strong brown hands
gather the season’s harvest.

It was also under the hot boiling sun
that they were shot down by
small men in uniforms with
big ugly guns.
It was also the dry hard earth
that caught their falling dying bodies,
splashing it with the last of their
vigorous blood.

Their sacrifice is not lost on us,
those who go on living.
The hot boiling sun and the dry hard earth
weren’t the only witnesses of their struggle.
The struggle will continue as long as
multitudes of strong brown hands,
scorched calloused heels, and skins burnt crisp-brown
continue to be felled by seeing bullets
from big ugly guns.

They died so that someday
their comrades will finally taste the fruits
of their collective labour: they will
be able to savour the pure sweetness
of sugar
in the land of sugarcanes.
-10/24/05